• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ISTRIKTONG MASS TESTING, IPATUTUPAD SA MALABON

MAHIGPIT na ipatutupad sa Lungsod ng Malabon ang istriktong mass testing kung saan maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo na yung mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).

 

Ito ang napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID).

 

Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay “Disobedience to a Person in Authority” o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.

 

Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng “Non-cooperation” ayon sa Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.” Sa ilalim ng mga nasabing batas, hindi maaaring tumangging makipag-tulungan sa mga kinauukulan ang mga taong natukoy na apektado ng sakit.

 

Ang sinumang lalabag sa parehong batas ay maaaring mag-multa o kaya ay ikulong, batay sa desisyon ng hukuman.

 

Aniya, hindi maaaring gamiting depensa ang “Data Privacy Act of 2012” upang tumangging magpa-test, dahil pinapayagan ng batas ang paggamit ng personal na impormasyon upang tugunan ang isang national emergency, sumunod sa mga pangangailangan ng kaayusan at kaligtasan, o tuparin ng awtoridad ang kanilang tungkulin.

 

Isa ang mass testing sa mga natukoy na epektibong gawain upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Kasama nito ang contact tracing, isolation, at treatment. (Richard Mesa)

Other News
  • Ho 50 bisikleta ang ihahandog sa Pasig

    NAKATAKDANG tumanggap ng 50 biskleta ang mga residente sa Pasig City buhat kay dating Philippine SuperLiga (PSL) at television host Gretchen Ho.   Nakolekta niya ang mga bike sa magdyowang sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, actor Sam Milby at ilang organisasyon sa pamamagitan ng kanyang proyektong #DonateABikeSaveAJob.   Ipinaskil ng former Petron Blaze Spikers […]

  • Ads March 3, 2021

  • BIR, dapat na habulin ang lahat ng hindi nagbabayad- Andanar

    SINABI ng Malakanyang na dapat lamang na habulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng tao na hindi nagbabayad ng kanilang buwis sa gitna ng usapin hinggil sa P203-billion estate tax debt case ng pamilya Marcos.     Tinanong kasi si acting presidential spokesperson Martin Andanar kung may nakikitang ‘sense of urgency’ ang […]