Isusumpa ng manonood sa bago nilang serye: JENNICA, puring-puri si SHARON sa pagiging humble sa kabila ng kasikatan
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
IKATUTUWA mo, my dear entertainment editor Rohn Romulo ang mga papuri ni Jennica Garcia sa mahal mong Megastar na si Sharon Cuneta.
Nabanggit kasi ni Jennica na kasali siya sa teleseryeng ‘Saving Grace’ na pinagbibidahan nina Sharon.
Lahad ni Jennica, “So ang susunod po natin, Saving Grace, Ms. Sharon Cuneta po ito.“Kung minahal tayo ng mga tao sa Dirty Linen bilang Lala, siguro po ngayon isusumpa na nila ako.
“Buti na lang nakapirma na ako sa Bioessence, “ at muling natawa si Jennica na ang tinutukoy ay ang pagiging bago niyang celebrity endorser ng Bioessence na isang beauty and wellness clinic.
Tinanong namin si Jennica kung kamusta ka-eksena si Sharon.
“Naku, sobrang saya,” ang masayang bulalas ng anak ni Jean Garcia.
“Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nauso yung mga Megastar, Diamond Star, iba pala talaga.
“Meron silang… parang si Megastar parang meron siyang kasamang ring light, alam mo yun?
“Parang sa Pinoy Henyo ang word na pinapahula sa kanya ‘respeto’, yung parang pag naglakad ka talagang mapapa-bow ka kasi iba, iba yung elegance and makikita mo rin na she is the Megastar, because despite it all she continues to be humble talaga, grabe,” pakli pa ni Jennica.
***
AT bilang mas ma-wine ka kaysa beer, my dear editor, ikatutuwa mo rin marahil kung ang makakainuman mo ay ang hunk actor na si Tony Labrusca!
Nakatsikahan namin si Tony sa Wine & Liquor Expo media launch sa Landers Alabang West sa Daang Hari Road, Almanza Dos, Las Piñas City kamakailan.
“I feel like you learn to appreciate wine with age, not everybody appreciates it right off the bat.
“Like personally me speaking, my entry into wine was that my mom like always drank Moscato while I was growing up, and so like I first started drinking just like all the sweet wines.
“I like sweet-tasting things, that’s the thing, and now, I don’t know if it’s my age, but I’m starting to really appreciate more of a like full-bodied red wine.
“So, I don’t know, like me on my downtime, I personally like dining alone and I don’t mind drinking alone.
“So yeah, I feel like a nice glass of wine with like a good steak is always like… it’s always like steak and wine, eating that on my own on like my day off is always like a nice treat for myself, that I give myself sometimes after like a hard week of work.”
Isa sa tinanong namin kay Tony ay kung mas gusto ba niyang uminom kapag may mga kasamang kaibigan o mas bet niyang uminom mag-isa?
“I… well it’s more fun if I drink with friends, but sometimes I’ll just have like a beer or a glass of wine alone, like I don’t have a problem doing that.”
Nasa event rin sina Rhian Ramos, Nicole Hernandez, Kelly Misa at ang Chief Transformation Officer ng Landers na si Bill Cummings.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
WHO naalarma na, 180,000 healthcare workers namatay dahil sa COVID-19
Nababahala na ang World Health Organization (WHO) na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga healthcare workers sa buong mundo kapag kulang ang bakunahan. Sinabi ni WHO head Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na kailangang prayoridad na bakunahan ang mga healthcare workers dahil nasa 80,000 hanggang 180,000 na ang mga healthcare workers na namatay […]
-
Dating adviser ni Duterte idinawit sa iligal na droga, ipinaaaresto ng Kamara
IPINAG-UTOS ng House Committee on Dangerous Drugs ang pag-aresto sa negosyanteng si Michael Yang matapos itong ma-cite in contempt dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa imbestigasyon kaugnay ng P3.6 bilyong halaga ng shabu na nasamsam sa isang operasyon sa Mexico, Pampanga noong 2023. Si Yang, na naging adviser ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, […]
-
State visit ni PBBM, wala pang iskedyul- Malakanyang
HANGGANG ngayon ay wala pang ipinalalabas na iskedyul ang Office of President (OP) hinggil sa state visit ngayong taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang katuwiran Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz, prayoridad ni Pangulong Marcos ang isapinal ang listahan ng mga miyembro ng kanyang gabinete. “The President […]