Itatagal volcanic smog mula sa Bulkang Taal, hindi pa matukoy – PHIVOLCS
- Published on September 23, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI pa matukoy sa ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kung hanggang kailan magtatagal ang nararanasan volcanic smog mula sa Bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, hangga’t nagpapatuloy ang pagbubuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal ay magtutuluy-tuloy din ang nararanasang vog sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon sa ahensya, batay sa kanilang monitoring ay patungong kanluran ang direksyon ng mga ibinubugang sulfur dioxise ng nasabing bulkan na nakakaapekto sa mga bayan ng Tuy, Calaca, Balayan, at Nasugbu sa Batangas.
Kaugnay nito ay mayroong discretion ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng evacuation sa mga residente kung kinakailangan.
Batay sa bulletin ng PHIVOLCS, limang volcanic tremors lamang na tumagal ng hanggang 575 mins. ang kanilang naitala mula alas-5 ng umaga kahapon, hanggang alas-5 ng umaga kanina.
Habang ang sulfur dioxide emission naman ay tumaas mula 4,322 tonelada noong Martes hanggang 4,569 tonelada noong Huwebes. (Daris Jose)
-
State visit ni PBBM, wala pang iskedyul- Malakanyang
HANGGANG ngayon ay wala pang ipinalalabas na iskedyul ang Office of President (OP) hinggil sa state visit ngayong taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang katuwiran Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz, prayoridad ni Pangulong Marcos ang isapinal ang listahan ng mga miyembro ng kanyang gabinete. “The President […]
-
Lider ng ‘organ for sale’, hindi head nurse ng NKTI
NILINAW ng pamunuan ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City na hindi nila head nurse ang sinasabing lider ng “organ for sale” syndicate na tinutugis ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang isinagawang raid sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ayon kay Dr Rose Marie […]
-
Folayang, talo na naman hindi umubra sa Chinese fighter
Nabigo si Eduard “Landslide” Folayang sa kamay ng Chinese fighter na si Zhang “The Warrior” Lipeng sa pamamagitan ng unanimous decision sa ONE: BattleGround II na ginanap sa Singapore. Sa unang round pa lamang ay umarangkada ang Chinese fighter kung saan na-trap pa nito si Folayang sa pamamagitan ng leg scissor bukod pa […]