• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Itatayong imprastraktura, dapat nang gawing disaster proof- PBBM

DAPAT nang gawing disaster proof ang mga  itatayong imprastraktura sa bansa.

 

 

Ito’y upang matiyak na matatag ang mga imprastrakturang itatayo sa hinaharap.

 

 

Ani Pangulong Marcos, importanteng maging disaster proof na ang mga bagong gagawing kalye at  iba pang gusali gaya ng ospital maging ng mga bahay.

 

 

Kasama rin aniya rito ang mga heritage sites.

 

 

Sa  kabilang dako, sinabi ng Pangulo na kailangang mai-restore ang mga makasaysayang istraktura na winasak ng nagdaang 7 magnitude quake na nagpayanig sa Ilocos region at CAR.

 

 

Kabilang dito ang cathedral sa Vigan, ang kalye Crisologo at ang bantay bell tower sa Ilocos Sur.

 

 

Napinsala rin aniya ang  19th-century Sta. Catalina de Alexandria Church sa Abra gayundin ang San Lorenzo Ruiz Shrine. (Daris Jose)

Other News
  • Wala raw political color or motives ang life story: CLAUDINE, puring-puri ni IMELDA sa pagganap sa kanyang biopic

    PINURI ni Imelda Papin si Claudine Barretto sa pagganap nito sa kanyang film bio na ‘Imelda Papin: The Untold Story.’     “The best talaga sa akin si Claudine Barretto. She’s not just a big star, but also a best actress. Claudine was the best choice to play me in the movie. I like to […]

  • Lingguhang positivity rate sa National Capital Region patuloy sa pagtaas

    PATULOY  umano sa pagtaas ang bilang ng bagong Covid-19 cases sa Metro Manila ito ay makaraang iulat ng Department of Health ang umaabot sa 1,600 na bagong infections nitong nakalipas na araw na mas mataas noong kasagsagan ng peak noong August 7.       Tinukoy pa ng independent OCTA Research Group sa kanilang latest […]

  • Gatchalian may malaking papel na gagampanan bilang Kalihim ng DSWD

    KUMPIYANSA  si Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., sa gagampanang papel ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian bigang bagong talagang kahilim ng Department of Social Welfare and Development DSWD).     Ayon kay Barzaga, ito ay bunsod na rin sa maayos na record ng mambabatas na nagsilbing local chief executive at kongresista.     Nagsilbi ng […]