Itinanggi rin na nagli-live in na ang dalawa: JERIC, nilinaw na apo niya ang kasama sina AJ at ALJUR sa viral photo
- Published on September 3, 2024
- by @peoplesbalita
SI Jeric Raval mismo ang naglinaw ng tsikang anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang batang babae na kasama ng dalawa sa isang nag-viral na litrato sa social media kamakailan.
“Alam niyo, ang dami kong apo, thirteen, magpu-fourteen na apo ko.
“So, yung mga apo ko, sabay-sabay yan, maliliit na batang maliit.
“Mga one of my apos siguro ang kasama.”
“Apo ko doon sa anak ko, si Ace, yung rapper,” saad ni Jeric sa premiere night ng ‘Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)’.
Apo ni Jeric ang bata, anak ito ng isa sa 18 anak niyang si Ace Raval.
Pinabulaanan rin ni Jeric ang balitang nagli-live in na sina AJ at Aljur.
“No, hindi. Si AJ, sa akin nakatira.”
Ayon pa rin kay Jeric, ayaw nang mag-artista ni AJ.
“Ayaw na, tinamad,” pakli ni Jeric.
“Alam mo naman yung mga artista, kung minsan mamamahinga ng sampung taon.
“Parang ako, namahinga ako ng nine years straight.”
Suportado niya si AJ kung ayaw na nitong mag-artista.
Lahad ni Jeric, “Ako naman kasi, kung saan masaya ang anak ko, sinusuportahan ko yung anak ko.
Samantala, ang ‘Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)’.
Tungkol ito kay Marcos Mamay na mayor ng Nunungan, Lanao del Norte.
Mula sa Mamay Production, bida sa movie si Jeric bilang Marcos Mamay, with Teejay Marquez (as the teen Marcos Mamay), Ara Mina, Victor Neri, Polo Ravales, Julio Diaz, Devon Seron, Ron Angeles, Ali Forbes, Jethro Ramirez, Sheila Delgado, written and directed by Neal “Buboy” Tan.
***
IKINALOKA ng lady filmmaker na si Gayle Oblea ang disappearing act ng female lead niya sa short film na ‘As The Moth Flies’.
As in isang araw na lamang ang natitira sa shooting nila ay bigla na lamang nawala ang aktres.
“Originally when we wrote this, it was meant for a different actress, but the actress disappeared.
“Kumbaga It was the last day of the shoot. “And the worst part is that she was paid, so when she bailed out it was quite the huge problem to the point that it triggered an episode where I couldn’t get up off my bed.”
Hindi namin napilit si direk Gayle na sabihin kung sino ang naturang aktres.
Bakit raw biglang “nawala” ang aktres?
“Mahaba yung reason niya, pero in a nutshell, she got scared because there are scenes in the film na R-18 talaga.
“But what’s funny is that they read the script prior and they agreed. So, I think there was a change of heart on her part talaga kasi I think the manager also discouraged her to push through with it noting she might not get to do commercial opportunities after.”
Nakahanap siya ng kapalit sa katauhan ng indie actress na si Mina Cruz upang gumanap bilang si Tonette.
“I saw Mina Cruz, through one of the entries in the Silent Film Festival, and I said to myself, ‘Mina looks exactly like the character for my film’.
“I think it was a blessing in disguise because we were able to improve on the scenes we shot. We made it better.
“At the same time, I think the universe really want it to happen.”
Mula sa Creative Kartel, Desi Matters, Happy Manila at Rav Singh, ang 15-minute short film na “As The Moth Flies” ay nagtatampok rin kay Boo Gabunada bilang Jett, Pam Arambulo at Epy Quizon bilang Dr. Oliver Sanchez .
Entry ito sa short film category sa Sinag Maynila Film Festival 2024 na gaganapin mula September 4-8, 2024 sa ilalim ng Solar Pictures, ng festival director na si Brilliante Mendoza at ng City of Manila.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
2 tulak, nadakma sa Valenzuela drug bust, higit P.2M droga nasamsam
TIMBOG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban […]
-
PBBM, nangako na gagawing ‘more accessible’ ang sarili sa media
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawing mas ‘bukas at accessible’ ang sarili sa mga mamamahayag. Binigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang “symbiotic” o interdependent relationship sa pagitan ng pamahalaan at ng ‘fourth estate.’ “In government, we could not do […]
-
MAY KAPANGYARIHAN BA ang LGU na MAG-EXTEND ng PRANKISA o SPECIAL PERMIT ng PUBLIC TRANSPORT?
WALA. Ayon sa Executive Order 202, ang LTFRB ang may kapangyarigan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa nasabing Ahensya. Pero paano kung ang hindi pagbigay ng prangkisa o pag extend ng special permit ay hindi nagawa ng LTFRB? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng […]