• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Itinangging ‘alaga’ ng former presidential spokesperson: RONNIE, natawa lang sa viral video kasama si HARRY ROQUE

NAG-VIRAL ang video ng male balladeer at Army Reservist na si Ronnie Liang na kung saan makikita silang magkasama sa tabing-dagat ni Former Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Kaya may paglilinaw si Ronnie sa naturang viral video.

 

Pagkukuwento niya, “As far as I remember July 2022 yung video na napapanood niyo sa social media na kumakalat kung saan kasama ko ang former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

 

“At mapapansin niyo naman sa video na in-interview niya ako or… ginuest niya ako sa kanyang vlog.

 

“Pero to be clear wala tayong kaugnayan sa butihing Presidential Spokesperson. It just happened na nandun po ako bilang isang Reservist ng Philippine Army para sa pag-distribute ng relief goods at the same time nakatanggap po tayo ng invitation mula sa local government ng Dinagat Islands Governor Nilo Demery, Jr.”

 

Dagdag pa niya, “Tinawag ako, ‘Ronnie, puwede ka bang ma-invite,’ parang ganun. Tayo naman ay accommodating. Mabait naman si Atty. Harry Roque, accommodating.“Kaya kahit na halimbawa, ngayon pa lang nagkita-kita, ganun na siya talaga magsalita. Hindi lang po sa akin, sa lahat ng tao kasi siya ay ma-PR din naman dahil Spokesperson nga.”

 

First time lang daw nakilala ng personal ni Ronnie si Harry noong sandaling iyon, hindi pa raw sila nag-meet kahit minsan sa nakaraan.

 

Aniya, “Nagkataon din na in-invite ako to serenade yung mga nabagyo.”

 

 

Dagdag pa ni Ronnie, “Tsaka nung nandun naman hindi naman kami masyadong nag-uusap, kung kausapin naman ako, sumasagot naman ako.”

 

On-the-spot o spontaneous raw siyang inimbitahan ng dating Spokesperson na mag-guest sa vlog nito.

 

Ano ang naging content ng pag-uusap nila sa vlog ni Harry na may titulong The Spox Hour?

 

“Base sa pamagat ng kanyang vlog,” at natawa si Ronie, ‘Wholesome pa ba si Ronnie Liang?’

 

“Pero ang pinaka-content is yung pagiging piloto ko, Reservist, yung pagse-serve natin sa bayan during the pandemic at tsaka yung educational background.

 

“Some things that’s very, maybe interesting to the public.

 

“Tapos dahil may mga humor naman si Atty. Harry meron siyang mga nasasabing, ‘Tingnan natin kung mapapa-topless natin si Ronnie Liang!’

 

“Kasi base sa location, dagat kasi, magsu-swimming, and siya naman din nag-joke siya na pati daw siya, magta-topless.”

 

Hindi naman raw naghubad si Ronnie during the interview. Ni hindi na nga raw siya nakapag-swimming noon dahil limitado ang oras ng paglalagi niya doon sa Dinagat Islands.

 

Pero dahil sa naturang video ay kumalat ang malisyosong isyu na diumano ay “alaga” si Ronnie ni Harry.

 

Kasunod ito ng pumutok na isyu kamakailan tungkol kina Harry at male pageant titleholder AR dela Serna.

 

Ano ang naging reaksyon ni Ronnie noong biglang nag-trending ang naturang video nila ni Harry?

 

“Natawa ako nung pinanood ko,” bulalas ni Ronnie.

 

“Kasi actually hindi ko ho napanood yung buong vlog, noon ko na lang talaga napanood nung nag-viral na. ‘Ito pala, may ganito pala!’

 

“Nakalimutan ko na nga na pinagta-topless pala niya ako e,” at muling natawa si Ronnie.

 

“Natawa, at the same time siyempre nalungkot dahil nahaluan ng ibang konsepto. Nakita niyo naman, chin-up (cropped) siya, may mga tao pa kasi actually kasama, may babae pa nga sa right side.
“At may mga tao sa likod ng kamera.”

 

Ano ang naramdaman niya na nabigyan ng malisya ang video at ginagawan pa ng meme ng kung sino?

 

“Well natawa ako kasi alam naman nating wala, number 2 nalungkot dahil merong may goal yung nag-edit, to attack someone, nadamay lang ako.

 

“Kasi in-edit niya at tsaka ang haba ng video kung mapapanood niyo, iyon lang ang kinut (cut) niya.

 

“Pero I dunno kung ang purpose is comedy lang or ma-monetize yung Facebook niya, magkaroon ng traction, pero iyon.”

 

May mensahe ba siya doon sa nag-edit ng video?

 

“Sana gumawa ka din ng isa pang version naman na ipakita mo yung tunay. Hindi lang yung na-crop, para patas, patas po.

 

“Siguro gamitin niyo naman yung music ko na background para ma-promote din,” at tumawa si Ronnie.

 

Ang bagong kanta ni Ronnie na available ngayong Hulyo for download at streaming ay ang revival niya ng “Himala” ng Rivermaya.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Spot report ng Sulu PNP sa pagpatay sa 4 sundalo ‘fabricated’ – army chief

    Hindi katanggap-tanggap at nakakagalit ang inilabas na spot report ng Sulu PNP hinggil sa pagkakapatay sa dalawang army officers at dalawang enlisted personnel ng mga pulis sa Jolo,Sulu.   Tinawag ni Philippine Army Commanding General, Lt Gen. Gilbert Gapay na fabricated ang report at “full of inconsistencies at very misleading.”   Naniniwala si Gapay na […]

  • International Olympic Committee chief, tiwalang marami pa ring manonood sa Tokyo Olympics

    Naniniwala si International Olympic Committee chief Thomas Bach na mayroon pa rin mga audience na manonood sa Tokyo Olympics.   Sa kaniyang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, may mga ipapatupad silang mga paghihigpit para hind magkaroon ng hawaan ng COVID-19.   Dahil sa nasabing gagawing paghihigpit ay asahan na ang pagkakaroon ng mga […]

  • Obiena tumangging makipag-ayos sa PATAFA

    TINANGGIHAN na ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang alok ng Philippine Sports Commission (PSC) na pakikipag-ayos sa Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA).     Sa kanyang social media, pinasalamatan ni Obiena si PSC Chairman Butch Ramirez na siyang tumayong maging tagapag-ayos.     Naniniwala ito na ang pakikipag-ayos ay isang paraan […]