• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Itinodo ang husay at lakas sa tapatan nila ni Buboy: KOKOY, tinanghal na Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man PH’

SINO ang mag-aakala na si Kokoy de Santos na duwag sa mga horror challenges ay siya palang tatanghaling Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man Philippines’?

 

 

Deserving naman si Kokoy dahil itinodo niya ang kanyang husay at lakas sa sa one-on-one match nila ni Buboy Villar kaya naman siya ang nagwagi.

 

 

“Sobrang iba rin pala sa feeling kasi first-time ko manalo. EVER!

 

 

“Na solo, since season one first ever. Gusto ko lang sabihin siyempre sobrang thank you sa inyo lahat ng mga Runners,” ang emosyonal na pahayag ni Kokoy sa kanyang pagkapanalo.

 

 

Dagdag pa ni Kokoy, “Maraming Salamat sa inyong lahat na nagtiwala sa akin, na kaya ko. Noong simula palang.. may mga bagay na tumatakbo sa utak ko na kung bakit ako parte ng napakalaking proyekto na ito.

 

 

“Pero nandiyan kayo para palaging ipaaalala sa akin. Na kaya ko. At ito. Para sa inyo ito.. Pamilya ko, mga Tropa ko at sa mga Kolokoys ko.

 

 

“Sa lahat ng bumubuo ng Running Man Philippines, Sa Mga [co]-Runners ko, Mahal ko kayo. Hanggang sa muli.. Tatakbo tayo ulit.”

 

 

At dahil sa win ni Kokoy, mas lalong pinu-push ng fans ang tandem na Team GeKoy, na perfect match sila dahil si Angel Guardian ang nanalo sa first season ng RMP.

 

 

***

 

 

HINDI ang kita sa takilya ang habol ng character actor-turned-director na si Mike Magat.

 

 

Kaya sumugal siya sa kanyang bagong pelikula, ang ‘Seven Days’ kung saan siya ang direktor at siya rin ang lead actor.

 

 

Showing ngayong September 11 sa mga sinehan ang ‘Seven Days’ kahit na nga be medyo hindi tinatao ang mga local films ngayon.

 

 

“Kasi ano ako e, go lang ako ng go, para bang try ako ng try.

 

 

“Lahat naman ng bagay kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman. E kung hindi ko gagawin, paano ko malalaman yung conflict, yung problem?

 

 

“So gawin mo, so walang mawawala, walang masama kung susubukan mo, di ba? As long na ginagawa mo yung tama, as long na hindi ka nakaka-agrabyado ng kapwa, as long na yung mga proyekto mo e nagbibigay ka ng inspiration, ng good message sa mga tao, naihahatid mo yung gusto mong iparating sa pamamagitan ng paggawa ng pelikula.

 

 

“Iyon lang po yun. Aside dun, ako tapos na po ako sa parang gusto kong maging popular or hindi po e, kasi naranasan ko na rin pong mag-artista.

 

 

“Tatlong dekada na po ako sa showbiz. Ito naman po itong edad ko na ito, siguro passion ko na ito e, yung pagdi-direct, tapos makatulong sa kapwa. Ito na.”

 

 

Ang Seven Days ay mula sa producer na si Sherielene Sonza, Channel One Global Entertainment Production, TASK Co. Ltd. at JP Entertainment.

 

 

Lead actress dito ang beauty queen na si Catherine Yogi (Mrs.Tourism World Philippines-Japan 2021) at ang cinematographer ng pelikula ay si Miguel Sonza.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Imbestigasyon ng DoJ sa “Bloody Sunday Killings” patas, masinsin at makatarungan – Sec. Roque

    TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na magiging patas ang Department of Justice sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa marahas at sabay-sabay na raid ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ng ilang aktibista sa rehiyon ng Calabarzon, Linggo, bagay na ikinamatay ng siyam katao.   “We are confident with that probe because no less than […]

  • Bagong cease and desist order ng NTC vs ABS-CBN, ‘di makakaapekto sa franchise hearing – House leader

    Nilinaw ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa franchise bid ng ABS-CBN ang inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).   Ito ay matapos na ipinahinto kahapon ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct […]

  • Kaya walang naging aberya sa pagsasagawa ng BSKE 2023: Suplay ng kuryente, normal- DOE

    NANATILING normal ang suplay ng kuryente habang isinasagawa ang botohan para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), araw ng Lunes, Oktubre 30.  Sa  naitalang situation report ng Department of Energy (DOE),   sinabi ng  DOE-led Energy Task Force Election na “all power generation plants are in normal operation,” maliban sa  Ilijan plant at SLPGC […]