• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Itinuturing na pinaka-mahirap na journey niya: HEART, inaming dumaan sa IVF treatment para magkaroon ng baby

HINDI talaga nauubusan ng mga rebelasyon o panggulat ang actress/fashion icon na si Heart Evangelista.

 

Sa September issue ng L’Officiel Philippines Magazine kunsaan siya ang feature, inamin ni Heart na dumaan siya sa IVF treatment o in-vitro-fertilization para magkaroon ng baby.

 

Itinuturing ito ni Heart na pinaka-mahirap na journey raw niya, lalo na nga at nagkaroon pa siya ng miscarriage.

 

“With IVF, they inject you with fertility hormones. It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process. After harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl,” sey niya.

 

Pero na-realize rin daw ni Heart kung bakit at saan nanggagaling ang pressure niya na magka-baby. Dahil ba personal na gusto niyang magka-anak o dahil ito nga naman ang ine-expect sa kanya ng society.

 

Mahirap man daw ang pinagdaanan niya, ine-encourage pa rin ni Heart ang mga kababaihan to go for it lalo na raw at hindi naman na kailangang pumunta sa ibang bansa for IVF dahil meron na sa Pilipinas.

 

Mas makakapag-decide raw kasi ang mga kababaihan kung kailan nila talaga gustong magka-baby bilang nandiyan na lang naman ang embryo.

 

***

 

NAG-TRENDING sa Twitter ang mga hashtags na #ALDENXStartUpPH, #AldenRichards at #Tristan sa pilot episode ng Start-Up PH sa GMA Telebabad noong Lunes ng gabi.

 

Nag-trending din ang mga hashtags na #SUPHWorldPremiere at #AldenxSUPHGoodbyeTristan.

 

Tinutukan talaga ng mga fan ni Alden ang bago nitong serye katambal si Bea Alonzo at napag-trend nila ang napakaraming hashtags.

 

At para sa mga naging fan ng original version ng Start-Up sa Korea, pinakamagandang comment na nga siguro sa cast at prod ng serye na malamang pasado rin sa mga ito ang Pinoy adaptation.

 

Ilan sa comment kasi ng mag netizens, “GMA really managed to meet my high expectations for the series. Kudos to the team and the cast.”

 

“Everything is so good! The pilot episode is on point!”

 

Positibo rin na tinanggap si Bea sa unang serye nito bilang Kapuso.

 

Sabi ng isang netizen, “It’s good to see Bea Alonzo on primetime.”

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Nag-ambag na ng P800 million ang pribadong sector pambili ng COVID-19 vaccines

    Umaabot sa P800 million o $16 million na halaga ang naiambag na ng pribadong sektor para isulong ang multi-platform approach sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.   Sinabi ni Lance Gokongwei ng JG Summit, kalahati ng kabuuang mahigit 3 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 na kanilang bibilhin ay ibibigay nila sa Department […]

  • Publiko binalaan kontra Powerstar malware

    NAKAGAWIAN na ang device linking para sa mga gustong mapadali at mapabilis ang kanilang araw-araw na digital activities.     Gayunman, lumabas ang banta ng Powerstar Backdoor Malware na ine-exploit ang teknolohiyang ito. Mga PC (personal computer) operating system ang target ng malware na ito at ini-infect ang linked mobile phones at tables para ma-phish […]

  • Pinas, dumistansiya sa hangarin ni US Pres. Trump na manatili pa ng 4 na taon sa puwesto

    TANGING ang mga Amerikano lamang ang makapagdedesisyon kung mananatili pa ng panibagong apat na taon sa puwesto si US President Donald Trump.   Nauna na kasing nagbigay ng paborableng pananaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang US counterpart.   “Pabayaan na po natin ang mga Amerikano mag-desisyon n’yan dahil sila naman po ang […]