IVANA, kung anu-anong raket ang pinasok para makatulong sa pamilya; nari-reject noon dahil ‘pangit’ siya
- Published on June 15, 2021
- by @peoplesbalita
SA latest vlog ng sexy actress at YouTube star na si Ivana Alawi, inamin niya na kung anu-anong raket ang pinasok niya para lang mapangatawanan ang pagiging breadwinner ng pamilya.
Kasama niya sa vlog ang mga kapatid na sina Hash Alawi at Mona Louise Rey, sersoyo nga nilang pinag-usapan ang pagiging breadwinner ng pamilya na talaga namang isinapuso niya kahit noong hindi pa siya sikat.
Tinanong nga ni Mona si Ivana ng, “Bakit ka nag-decide na suportahan mo yung buong family kahit ang young mo pa? Tapos hindi mo naman yun responsibility.”
“Girl. I want to,” mabilis na sagot ni Ivana na inamin na kinarir ang pagraket makaipon lang ng pera.
Hindi rin siya nahiya na amining nasubukang mamigay ng flyers sa events noon.
Sabi niya, “Ako kasi yung tao na ever since lagi ko iniisip yung buong pamilya. Natural na sa akin.
“Nu’ng nawala yung aming tatay, nu’ng hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket para makatulong din sa pamilya.”
Dagdag pa niya, “Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako.”
Agad namang nag-react si Mona at kinontra ang sinabi ng actress/vlogger, “Uy, hindi totoo ‘yan. My ate is beautiful.”
Paliwanag naman niya, maraming pagkakataon na nare-reject din siya sa trabaho, “Uy, naging chaka... Gusto nila matatangkad. So, hindi ako pumapasa.
“And in fairness kay Mona, si Mona ang tumulong sa pamilya. Tapos nagpahinga din siya sa showbiz. So siyempre, hindi naman pwede si Mona lang.”
Nakilala ngang child star si Mona sa GMA at ilang taon ding nagtrabaho. Ilan sa mga pinagbidahan niyang Kapuso series ay ang Munting Heredera (2011-2012) at Bukod Kang Pinagpala (2013).
Tsika naman ng kapatid nilang lalaki na si Hash, “If any one of us finds that much success, automatically each one will help each other.”
Sagot ng kanyang ate, “Kasi ganu’n kami pinalaki. Hindi kami pinalaki na maging makasarili. I’ll always be here for you, guys.”
Say naman ni Mona, “We think as a family. Kaya I really look up to ate.”
Naikuwento na noon ni Ivana sa na bata pa lang siya ay naghiwalay na ang kanyang parents na sina Fatima Marbella at ng ama niyang Morrocan na si Samier Al-Alawi, kaya nag-decide silang bumalik na sa Pilipinas.
Sa naging pahayag ni Ivana sa Magandang Buhay noong nakaraang taon, “Akala ng iba hindi ako dumaan sa hirap, hindi ako dumaan sa times na wala kaming makain.
“Dumaan din ako du’n way, way back, pagdating ko sa Pilipinas. Yung mama ko laging nangungutang kasi wala kami makain.”
Dagdag pa niya, “Dumating kami sa point na toyo at saka kanin kasi wala na siya mautangan. And I’m thankful kasi isa siyang stepping stone, e. Yun ang nagpu-push sa akin.”
Naging emotional ang muling pagkikita ng mag-ama na naka-confine sa isang ospital sa Subic, na di nagtagal ay pumanaw din dahil sa heart attack.
Noong mamatay ang tatay niya, hindi naman itinago ni Ivana na ipinamana sa kanya ang mga ari-arian nito sa Bahrain, kabilang na ang napakaganda nitong bahay na ibinihagi sa kanyang vlog noong March 2020.
At ngayong sikat na sikat na siya hindi lang bilang aktres pati ang pagiging vlogger na kung saan may 13.3 million subscribers na sa YouTube at pati sa Kumu ay nasa top earners din si Alawi, patuloy naman ang ginagawa niyang pagtulong at pagsi-share ng blessings sa mga kababayaan natin na labis na naapektuhan ng pandemya. (ROHN ROMULO)
-
MGA BUNTIS NA MEDICAL FRONTLINERS PUWEDENG MABAKUNAHAN
PUWEDENG mabakunahan ang mga “buntis” na medical frontliners na may high risk exposure sa COVID-19 . Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) at sinabing basta’t may clearance mula sa kanilang mga doctor o physician. Gayundin ang mga senior citizen na frontliner ay maaari ring mabakunahan kontra COVID-19. Ayon sa DOH, […]
-
Nakaramdam ng lungkot at takot: FAITH, dumaan sa matinding depression dahil sa COVID-19 pandemic
DUMAAN pala sa matinding depression ang Kapuso actress na si Faith da Silva noong magkaroon ng COVID-19 pandemic. Mag-isa lang daw kasi sa kanyang tinitirhan na apartment noon si Faith kaya nakaramdam daw siya ng matinding lungkot at takot. “I was just 18 or 19-years old then. Ang hirap noong nag-iisa […]
-
BAGONG OBISPO NG CEBU, ITATALAGA SA AGOSTO 19
NAKATAKDANG italaga bilang bagong Obispo ng Archdiocese of Cebu si Bishop-elect Ruben Labajo. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa nasabing Archdiocese. Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Labajo upang makatulong sa pangangasiwa […]