• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ivana, mabilis ding umaksiyon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo

ANG mga YouTuber o vlogger na katulad ng sexy actress na si Ivana Alawi ang isa sa mga artista na mabilis umaksiyon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.

 

Personal na nagpunta si Ivana sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng kanyang tulong sa Cagayan.

 

Ang naging video niya sa kanyang You Tube vlog na merong 9.92 million subscribers na “Happy Birthday Mama Alawi” ay idinonate niya at siyang ginamit. Hindi pa man niya kinikita o nakukuha ang income mula sa naturang video, pero inadvance na ni Ivana.

 

Sakay si Ivana ng chopper nang magpunta sila ng Isabela at Cagayan.

 

Tuwang-tuwa ang mga taga- Norte sa sexy actress. Karamihan sa mga comments ay, “Ang bait-bait ni Ivana.”

 

Na-appreciate rin nila ang simpleng black shirt at black pants na suot niya na sabi sa comment na nabasa namin, “Ang ganda-ganda ni Ivana sa simpleng suot niya.”

 

Pinuri rin si Ivana ng mga tao roon na nagtanggal daw saglit ng mask kahit alam nilang takot ito sa COVID-19 para lang pagbigyan ang kahilingan ng mga ito na mapakita niya ang kanyang mukha at smile.

 

Hindi ito ang unang pagkakataon na dinonate ni Ivana ang earning ng isa sa kanyang video. Nang mamatay ang vlogger na si Lloyd Cadena, nag-post din ito ng content na lahat ng nakuha niyang income sa ads ng video na yun ay ibabahagi niya sa pamilyang naiwan ng vlogger.

 

*****

 

MAHIGIT 200,000 pesos din ang nalikom ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagla-livestream niya ng kanyang online game.

 

Lahat ng mga natanggap niya na may stars sa larong Mobile Legends ay may katumabas na halaga at yun nga ang ido-donate niya sa mga nasalanta ng sunod- sunod na bagyo.

 

Kahit sa paglalaro niya at sa gitna ng kabisihan ni Alden ngayon, nagagawa at nakukuha pa rin niyang mag-isip ng paraan para makatulong palagi sa mga nangangailangan.

 

Sabi nga ni Alden sa kanyang Twitter post, “Maraming salamat sa lahat ng nag-donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe.”

 

At kahit nga may pandemic, tuloy na tuloy pa rin ang pagdiriwang ni Alden ng kanyang ika-10th anniversary in showbiz. Kaya halos araw-araw rin ang ginagawa niyang pagre-rehearsal para sa kanyang virtual concert na Alden’s Reality sa darating na December 8.

 

Almost sold out na raw ang tickets kaya sa mga gusto pang ma-experience ang virtual concert na ito ni Alden, bumisita lang sa www.gmanetwork.com/synergy

 

*****

 

NAGSIMULA na ng lock in taping ng GMA-7’s series na Babawiin Ko Ang Lahat.

 

Isa ito sa mga serye ng GMA na kung hindi siguro nagkaroon ng COVID-19, malamang ay tapos ng umere.

 

Kasalukuyan na silang nagsisimula ng taping nang magkaroon ng pandemic at mahinto.

 

Pinagbibidahan ito ng bagong tambalan nina Pauline Mendoza at Manolo Pedrosa. Kasama sina Carmina Villarroel, John Estrada at Tanya Garcia.

 

Hindi madali para kay Tanya ang lock in taping dahil may tatlo siyang anak na mga nag-aaral. Ang bunso niya ay 3 year old pa lang.

 

Ipinakita ni Tanya ang video ng ikalawang anak niya kunsaan, unexpectedly, ito ang iyak ng iyak sa unang gabi na wala siya sa inaasahan niyang ang bunso niya ang iiyak.

 

Twenty days ang lock in taping nito at talagang para raw O.F.W. ang pakiramdam. (ROSE GARCIA)

Other News
  • PDu30, hindi magdadalawang-isip na sibakin ang mga suspendidong govt officials

    HINDI magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na sinuspende sa serbisyo ng Tanggapan ng Ombudsman.   Sa public address ng Chief Executive, Martes ng gabi ay binalaan nito ang mga suspended government officials na huwag nang gumawa ng panibago pang kasalanan kahit ito’y simpleng ‘neglect of […]

  • Bawat Pinoy, may utang nang P119,458

    HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga negosyong pag-aari ng estado o government owned and controlled corporations (GOCCs) na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapagaan ng pasanin sa lumolobong utang ng gobyerno, na ang ‘servicing cost’ pa lamang ay katumbas na ng 30 porsyento ng P5.268 tril­yon ng panukalang badyet para […]

  • KEN at RITA, parehong nag-positive kaya nahinto ang lock-in taping ng ‘Ang Dalawang Ikaw’ at naantala ang airing

    TODAY, June 21, ang world premiere ng Ang Dalawang Ikaw, a progressive and advocacy-driven story na gagampanan nina Ken Chan at Rita Daniela.     A married couple, as they face the challenges brought about by mental disorder, with Ken playing the roles of Nelson and Tyler, na may Dissociative Identity Disorder (DID) or may […]