Jake Paul pinatumba si Woodley sa 6th round
- Published on December 21, 2021
- by @peoplesbalita
Pinatumba ni YouTube star Jake Paul si dating UFC champion Tyron Woodley sa ikaanim na round ng kanilang boxing match na ginanap sa Amalie Arena sa Tampa, Florida.
Sa unang limang round ay hindi gaanong naging mainit ang laban kaya nagalit ang mga fans.
Pagpasok ng ikaanim na round ay doon na lamang uminit si Paul hanggang nakapasok ang kaniyang kanang suntok na nagbunsod sa pagkatulog ni Woodley.
Magugunitang sa unang laban ng dalawa noong Agosto ay nagtapos sa split decision.
Dahil sa panalo ay mayroon ng limang panalo at wala pang talo ang boxing record ng 24-anyos na si Paul.
-
Naka-experience na ng kanyang first mammogram: BB, matagal nang walang contact at may sama ng loob sa pamilya
SA unang pagkakataon ay naka-experience na ang transwoman na si BB Gandanghari ng first mammogram niya. Ang mammogram ay ang pag-examine sa women’s breasts for early detection of cancer. Limang taon nang kinikilala bilang babae si BB sa Amerika kaya required sa kanyang physical exam ang magpa-mammogram para sa kanyang insurance […]
-
Bagong CA Justice, isang Malacanang official
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senior Deputy Executive Secretary Michael Pastores Ong, isang Malacanang official bilang bagong Associate Justice ng Court of Appeals. Pinalitan ni Ong si Samuel Gaerlan na ngayon ay SC Associate Justice Si Ong , nagsilbi ng 15 taon sa gobyerno ay pinangalanan bilang bagong associate justice base […]
-
Clarkson lalaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
MASĀ malakas na koponan ang ipaparada ng Gilas Pilipinas sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan. Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach at Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Chot Reyes kung saan malaki aniya ang posibilidad na maglaro si Filipino-American Jordan Clarkson. […]