• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JANINE, sumabak agad sa iconic drama anthology na ‘MMK’ kasama si JM

KAMAKAILAN lamang pumirma ng kontrata si Janine Gutierrez sa ABS-CBN pero may guesting na agad siya sa top-rating and iconic drama anthology na Maalaala Mo Kaya this Saturday.

 

 

Katambal pa niya ang mahusay na actor na si JM De Guzman.

 

 

Maagap ang ABS-CBN sa pagbibigay agad ng acting assignment sa Gawad Urian Best Actress winner for Babae at Baril. Gusto agad nila na maisalang agad sa isang magandang palabas si Janine at perfect na perfect ang MMK.

 

 

Widely-followed ng mga manonood ang MMK which gives interesting stories tuwing Sabado ng gabi.

 

 

Tiyak na isang special na episode ang handog ng MMK para pagbidahan ni Janine. For sure ay acting piece ito. Idagdag pa ni si JM, na isa ring mahusay na actor, ang kasama ni Janine sa episode kaya tiyak na pabonggahan ito sa acting.

 

 

Pero kung light romance naman ang tema ng kanilang MMK episode, tiyak na maraming kilig moments sina Janine at JM.

 

 

Kaya huwag kaligtaan panoorin ang MMK ngayong gabi.

 

 

***

 

 

ISANG taon since nawala sa ere ang ABS-CBN.

 

 

Dahil lamang sa kapritso ng isang matandang president na vindictive. Ang kakatwa, kahit na walang napatunayang violations laban sa Kapamilya network, isinara pa rin ito. Maraming empleyado ng network ang nawalan ng trabaho.

 

 

Napakahirap na sitwasyon ito dahil nangyari sa panahon ng pandemya. Pero nawala man sa ere, ipinagpatuloy pa rin ng ABS-CBN ang paglilingkod nila sa bayan. Nandito pa rin sila sa ating piling, kahit na wala silang prangkisa.

 

 

Ipinagtibay ng ABS-CBN ang pangako nitong patuloy na paglilingkuran ang mga Pilipino sa mensahe nitong “Andito Kami Para Sa ‘Yo” noong Mayo 5, na ika-unang taon mula nang nawala ang network sa ere.

 

 

Ipinaabot ng ABS-CBN ang mensaheng ito sa social media sa tulong ng iba’t ibang programa, plataporma, at artista ng kumpanya. Paalala nila sa mga Pilipino, narito pa rin ang ABS-CBN upang sumuporta, at magbigay liwanag at ligaya sa kanila sa pamamagitan ng mga programa nitong napapanood sa free TV, cable, online, at sa streaming platforms.

 

 

Makikita sa bidyo na isinalin sa iba-ibang lenggwahe ang “Andito Kami Para Sa ‘Yo” upang mas personal na maipahatid ng ABS-CBN ang mensahe nito sa mga patuloy na tumatangkilik at nagtitiwala sa kumpanya para sa balita, public service, at entertainment, sa kabila ng mga pagsubok.

 

 

“Kayo po ang tanging dahilan kung bakit naglilingkod ang ABS-CBN, mula noon hanggang ngayon. Dahil sa inyong suporta, patuloy tayong nakakapaghatid ng mga kwento, nakapagbibigay ng saya at inspirasyon sa Pilipino,” sabi ng ABS-CBN sa social media posts.

 

 

Patuloy ang ABS-CBN sa paghahanap ng paraan upang maabot at mahatiran ng serbisyo ang mga Pilipino nasaan man sila sa mundo.

 

 

Ngayon, napapanood na muli ang iba-ibang entertainment programs ng ABS-CBN sa buong bansa, kabilang ang primetime block nito, sa free TV at gamit ang digital box sa A2Z Channel 11 at TV5.

 

 

Sa cable, nakakukuha rin ng aliw, saya, at kaalaman ang mga Pilipino sa Kapamilya Channel, Cinemo, A2Z, TV5, Jeepney TV, CinemaOne, Metro Channel, MYX, at Knowledge Channel. Habang maiinit na balita naman ang  hatid ng TeleRadyo at ANC, the ABS-CBN News Channel.

 

 

Sa online, lalo pang mas maraming pagpipilian ang mga Kapamilya, dahil ipinapalabas din ng ABS-CBN ang iba-iba nitong offerings sa mga opisyal na social media pages at digital platforms nito, sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, sa streaming service ng ABS-CBN na iWantTFC, at kamakailan lang, maging sa WeTV iflix.

 

 

Maging ang mga nasa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas ay naabot pa rin ng ABS-CBN sa pamamagitan ng TV5 at mga programa ng MOR Entertainment sa Facebook, kumu, Spotify, at YouTube.

 

 

Patuloy ring binibida ng ABS-CBN ang talento ng Pilipino sa pamamagitan ng Star Music at Star Cinema, samantalang tulong ang dala ng ABS-CBN News Public Service at ABS-CBN Foundation sa mga nangangailangan.

 

 

Para sa mga impormasyon at balita sa ABS-CBN, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Ads December 14, 2023

  • Ads May 24, 2022

  • Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga  warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation.  Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba ni Pangulong […]