• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JANINE, winelcome at feel na feel talaga na maging isang Kapamilya; RAYVER, suportado ang naging desisyon

MAGANDA ang naging pag-welcome kay Janine Gutierrez ng ABS-CBN and for some reason, tila feel na feel talaga siya na maging isang Kapamilya.

 

Simula mag-join ng showbiz si Janine ay isa siyang Kapuso. Ngayon lang siya lumabas sa nakagisnang bakuran. At siguro naman nga, may malaking plano ang ABS-CBN kay Janine kaya dito siya pumirma sa kabila ng kawalan pa nito ng prangkisa sa ngayon.

 

Ang dami rin nag-congratulate kay Janine. Ilan sa mga celebrities pa nga na nabasa namin na nag-post ng congratulatory message rito ay mga Kapuso stars.

 

Maging ang boyfriend na si Rayver Cruz, kahit na sabihin na iniwan na ito ni Janine sa GMA-7 at mas malabo na magkasama pa sila sa isang serye o proyekto, suportado nito ang naging desisyon ng girlfriend.

 

Aniya sa tweet, “Soar high my love, will always be your number one fan. 

 

Tinutukso tuloy si Rayver kahit ng mga kapatid ni Janine. Mukhang kalilipat pa lang ay namimiss na agad ni Rayver.

 

 

Sa sumunod niyang tweet, “We’re soariiinnn flyin’ There’s not a star in heaven That we can’t reach If we’re tryin’ So we’re breaking free bwahaha! Miss u.”

 

***

 

NAPANOOD namin ang digital premiere ng digitally restored version ng hit romance drama na Radio Romance noong 1996.

 

Na-impress kami sa pagkaka-restored nito dahil ang ganda. Ang husay na talaga ng ABS-CBN’s Film Restoration unit at ng “Sagip Pelikula” sa pag-save ng mga old tagalog movies sa pangunguna ng head nito na si Leo Katigbak.

 

Parehong present sina Leo at Direk Joey Reyes sa digital premiere na nagbigay ng kanilang mga pahayag bago ang naging viewing. Ayon kay Direk, ang Radio Romance ang isa sa pinakapaborito niyang sinulat at dinirek na pelikula.

 

Personally, isa rin ito sa 90’s movie na paborito namin. Gustong-gusto namin ang pagkakatahi-tahi ng kuwento ng bawat character sa movie at gayundin ang editing.

 

In for a “throwback” talaga ang manonood nito at makakabili ng ticket sa KTX.ph. Kung hindi kami nagkakamali, first and last movie yata ito ni Paolo Abreira na lead kunsaan, si Gelli de Belen ang kapareha niya.

 

Bff sina Claudine Barretto at Jolina Magdangal sa kuwento with the late Rico Yan na introducing pa lang sa Radio Romance. Ang babagets pa rin nina Sharmaine Arnaiz at John Estrada.

 

Para sa mga dati nang nagustuhan ang movie at sa millennials, hayan at available na ang digitally restored version nito. (ROSE GARCIA)

Other News
  • ‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo

    Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses.     Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mi­xing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal.     […]

  • P60-B excess funds ng PhilHealth napunta sa frontliners, hospitals, mga gamot – Recto

    SINABI ni Finance Secretary Ralph Recto na ang P60 billion excess funds na ibinalik ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa national treasury ay ginamit para sa health-related projects. Matatandaang, ipinag-utos sa PhilHealth na ibalik ang P89.9 billion na excess funds sa national treasury. Noong nakaraang taon, nag-remit na ang PhilHealth ng P60 billion bago pa […]

  • Filipinas all-set na sa ASEAN Women’s Futsal Championships

    MAS pinaghandaan na ngayon ng women’s national football team na FILIPINAS ang gaganaping ASEAN Women’s Futsal Championship na ang host ay ang bansa.     Sinabi ni Philippine Football Federation president John Gutierrez na nasa 100 percent ng nakahanda ang Pilipinas sa laro na magaganap mula Nobyembre 16 hanggang 21 sa PhilSport Arena.     […]