Japan, naglaan ng P611M halaga ng defense equipment sa Pinas
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
MAGKAKALOOB ang Japan sa Pilipinas ng P611 milyong halaga ng defense equipment, gaya ng surveillance radars at mga bangka, para mapabilis ang kakayahan ng bansa “to deter threats to peace, stability, and security” sa Indo-Pacific region.
Ang pagpopondo sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) ng Tokyo para sa fiscal year 2024 hanggang March 2025 binigyang diin ang commitment ng Japan sa strategic partnership nito sa Maynila sa panahon ng tumitinding mga salungatan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea, partikular na sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) at sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
Saklaw ng nasabing pondo ang probisyon ng surveillance radar systems para sa Philippine Air Force at ang rigid-hulled inflatable boats at coastal radar system equipment at automatic identification systems para sa C-90 aircraft para sa Philippine Navy.
“We sincerely hope that the provision of these items will be of great use for our friends facing strategic challenges,” ayon kay Japanese Ambassador Endo Kazuya sa kanyang naging sa signing at exchange of notes sa Maynila kasama si Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo.
Dumalo rin si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa seremonya.
Nahaharap sa mahalagang sea lanes, habang pinagtatalunang ang South China Sea at Luzon Strait, sinabi ni Endo na ang Pilipinas ay may mahalagang papel sa regional security.
“As we strengthen our support towards the Philippines, we also hope to contribute to the security and stability of the region —ultimately driving towards a free and open Indo-Pacific,” ang sinabi ng envoy.
Sa kabilang dako, ang Philippine vessels ay makailang ulit na naharap sa agresibo at mapanganib na pagmamaniobra ng Chinese Guard sa loob ng katubigan sa West Philippine Sea, kung saan sinasabi ng Beijing na ang bansa ang dahilan ng mga banggaan at pagkasugat ng mga Filipino personnel.
Maliban sa Japan, sina U.S. Secretary of State Antony Blinken at Defense Secretary Lloyd Austin, sa isang pulong kasama ang kani-kanilang mga counterparts sa Maynila noong Hulyo, ay nagpahayag na ang Washington ay magkakaloob ng karagdagang $500 million sa military funding para palakasin ang defense capability ng Pilipinas habang ang Washington at Maynila ay nahaharap sa pagkabahala sa umiigting na agresibong ng Tsina.
Sa hiwalay na kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ang tulong, ang pangalawang OSA simula 2023— sumasalamin sa shared commitment ng dalawang bansa sa maritime stability at regional peace.
“It will support the Department of National Defense and Armed Forces of the Philippines’ efforts in securing the Philippines and improving the country’s capabilities to deter threats to peace, stability, and security in the Indo-Pacific region,” ayon sa DFA.
Sinabi naman ng Chinese Embassy sa Maynila, nagtangka ang Philippine vessels na pumasok sa Chinese territorial waters ng Huangyan Dao, China’s name para sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Sinasabi na ang CCG force ay “acted lawfully to control the situation.”
“China’s increasingly assertive actions in the waters prompted serious concerns and condemnations from several countries, including Manila’s treaty ally, the United States, Japan, the European Union, France, New Zealand, and Finland,” ayon sa ulat.
Muli namang inulit ng Japan ang labis na pagkabahala nito sa naging aksyon ng Tsina sabay sabing “opposes any actions that increase tensions” sa lugar.
“OSA is a grant aid cooperation framework that provides equipment and supplies as well as assistance for the development of infrastructure for armed forces and other related organizations of recipient countries,” ang sinabi ng Japan’s embassy sa Maynila.
“All of these elements are aimed at safeguarding Philippine sovereignty and securing national territory through improving its Maritime Domain Awareness capabilities and monitoring and surveillance capabilities,” ang sinabi ni Endo.
“The collaborative spirit embodied in this effort highlights Japan’s determination to ensure that peace and prosperity continue to thrive across the region and beyond for generations to come.” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
20.6 milyong COVID-19 vaccines, nasayang – DOH
MAHIGIT sa 20 milyon na donasyon at nabiling COVID-19 vaccines doses sa Pilipinas ang nasayang. Sinabi ni Health Undersecretary Carol Tanio sa pagdinig ng Senate committee on Health demography ni Senador Bong Go, na kabuuang 20,660,354 bakuna kontra COVID ang nasayang hanggang nitong Agosto 12. Paliwanag ni Tanio, 6% nito ang […]
-
Ads September 9, 2023
-
DEREK, nag-react at napikon nang tanungin kung ‘di ba nagseselos si AUSTIN kay ELIAS
NAKATUTUWA ang IG post ni Derek Ramsay na buhat-buhat niya si Ellen Adarna na may caption na, “My big baby tuko!!❤❤❤” Na sinagot naman ni Ellen ng, “Ur the biggest tuko lol.” Kung anu-ano nga ang naging comment ng netizens at followers sa post na ito ni Derek, kaya nagtalu-talo na […]