• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japanese gymnast Kohei Uchimura, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Japanese gymnast Kohei Uchimura.

 

Dahil dito ay pinangangambahan na hindi na makakasali si Uchimura sa international meet.

 

Ang nasabing international meet ay gaganapin sa Nobyembre 8 bilang paghahanda para sa Tokyo Olympics.

 

Nauna na kasing ipinagpaliban ang nasabing torneo na unang plano ay sa Marso subalit dahil sa coronavirus pandemic ay kinansela ito.

 

Sinabi ni Morinari Watanabe ang pangulo ng Federation International de Gymnastique (FIG) na asymptomatic si Uchimura at mabuti ang kaniyang kalusugan.

 

Muli ito ng isasailalim sa testing sa Nobyembre 5 para malaman kung sasali pa sa nasabing torneo. (REC)

Other News
  • Target na ‘population protection’ sa PH hanggang Disyembre ‘di nagbabago – IATF

    Hindi umano nagbabago ang target ng IATF na population protection bago matapos ang taong kasalukuyan.     Kung maalala dating tinatawag ng pamahalaan ang salitang herd immunity kung sakaling mabakunahan na raw ang 70 na popolasyon sa Pilipinas.     Ginawa ni testing czar Vince Dizon ang pahayag na positibo pa rin sila na makakamit […]

  • PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto. “We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our […]

  • Maradona, nasa ‘excellent’ condition – doctor

    NASA ‘excellent’ condition na si dating football star Diego Maradona matapos na ito ay operahan.   Tinanggal kasi ng mga doctor ang blood clot sa kaniyang utak nitong nakaraang mga araw.   Ayon sa kaniyang doktor na si Leopoldo Luque, na gumaganda na ang kalagayan nito. Ipinagpipilitan pa niyang umalis na sa Olivos clinic sa […]