Jay Sonza, arestado sa illegal recruitment
- Published on August 18, 2023
- by @peoplesbalita
DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang masangkot sa syndicated at large-scale illegal recruitment.
Isinuko ng BI sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sonza saka inilipat sa Bureau of Jail Management and Penology, ayon kay NBI Assistant Director Glenn Ricarte.
Nabatid na dinakip ng mga operatiba ng BI si Sonza dalawang linggo na ang nakakaraan habang pasakay ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 patungo sa Hong Kong at nang dumaan siya sa immigration counter para sa interview dito natuklasan na mayroon siyang nakabinbin na kasong estafa kaya pinigilan ang kaniyang paglipad.
Tuluyan siyang idinitine nang matuklasan pa na mayroon siyang aktibong warrant of arrest sa kasong syndicated at large-scale illegal recruitment.
Sumailalim naman umano sa proseso si Sonza na nagawang matawagan ang kaniyang abogado nang iditine siya ng BI.
Napayuhan din siya ng mga legal na opsyon lalo na’t hindi siya maaaring makapaglagak ng piyansa dahil sa kasong syndicated or large scale illegal recruitment.
-
IÑIGO, pang-world-class dahil kasama sa lead cast ng American musical drama na ‘Monarch’
THE secret is out, dahil hindi lang kasama sa cast, bida pa si Iñigo Pascual sa American musical drama na Monarch ng Fox Network. Ayon sa balita, gaganap si Iñigo bilang Ace Grayson na isang 18-year old phenomenal singer na nangangarap maging isang country artist. Kinumpirma nga ito ng anak ni […]
-
Mga bagong halal na opisyal ng SPEEd, pormal nang nanumpa sa harap ni QC Mayor Joy Belmonte
PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin, ang mga bagong halal na opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) nitong Marso 21. Ito’y pinangunahan ng bagong Pangulo ng grupo na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.Nagsilbing inducting officer sa oath-taking ceremony ng SPEEd si Quezon City Mayor […]
-
Magulang na di nagbibigay ng sustento sa anak, ipakulong
NAIS ni Davao City Rep. Paolo Duterte na maipakulong ang mga magulang na nagpabaya at hindi rin nagbibigay ng sustento sa anak o obligasyon na child support. Sa ilalim ng House Bill 4807 na inihain ng mambabatas kasama ang tatlong iba pa, ipinanukala na mapatawan g parusang pagkakakulong ng 2-4 na taon ang […]