Jay Sonza, kinasuhan ni Julia Barreto ng Cyber Libel sa NBI
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
SINAMPAHAN kahapon ng kasong paglabag sa Cybercrime case ng aktres na si Julia Barreto , ang dating broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation(NBI),kahapon ng tanghali kaugnay sa pahayag nito na siya ay buntis at ang ama ay si Gerald Anderson.
“Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputationnko, ang pangalan ko.I think, i just want to show people na hindi ko na pinapalampas yung mga bagay na ganito,”ayon kay Julia.
Kasama ni Julia na nagreklamo sa NBI-Cybercrime Division,ang kanyang ina na si Marjorie Barreto para imbestigahan ang walang katotohanan at iresponsableng pahayag ni Sonza sa kanyang social media account.
“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family. I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” dagdag pa ni Barreto.
Sinabi ni Julia na gusro niyang turuan ng leksiyon si Sonza.
Una nang ipinos ni Sonza na si Julia ay nagdadalang tao at ang ama ay si Anderson na kanng mga kapit bahay.
“Dito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman at higit sa lahat, nagbunga.
“Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila bago. After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia.
Gayunman, muling nag post noong Miyerkoles si Sonza ang kanyang naging pahayag at binawi rin nito ang kanyang masayang pagbati kay Julia at Anderson.
“Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati. Happy & excited kasi ako kappa may nabibiyayan ng Buhay.
Pasensya na kung napaaga ang aking Congratulations,” pagbawi ni Sonza sa kanyang pahayag. (Ara Romero)
-
Wong bumawi agad, todo kaway-ngiti sa Palawan
Iba’t iba ang komento mula ng mga netizen sa viral video na todo ngiti na at pang-Miss U pa ang kaway ni Premier Volleyball League star Deanna Wong habang nakabakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang girlfriend na si Ivy Lacsina. Isang netizen na nakakita kay Wong ang nagbahagi ng viral video Huwebes kung saan […]
-
“A Quiet Place: Day One” roars to record-breaking franchise best, and 2nd biggest opening weekend for 2024 in the PH
A Quiet Place: Day One sets the biggest opening weekend in the history of the franchise, with a global tally of $98.5M. The film is also making noise locally as the 2nd biggest opening weekend in the Philippines for 2024. Watch the newest trailer here: https://youtu.be/kshP9EQX-Ss Set […]
-
Eala inihalintulad kay Sharapova
TUNAY na rising star si Alex Eala na namamayagpag sa mundo ng tennis. Sariwa pa ito sa matamis na kampeonato sa prestihiyosong US Open juniors championships girls’ singles upang tanghaling kauna-unahang Pilipino na nagkampeon sa isang Grand Slam event. Dahil sa kanyang tagumpay, kaliwa’t kanan ang magagandang komento sa Pinay tennis […]