JC, palaban din bilang best supporting actor: PIOLO, napakahusay sa ‘Mallari’ kaya matindi ang laban sa Best Actor
- Published on December 27, 2023
- by @peoplesbalita
MISMONG Araw ng Pasko, Disyembre 25, sa pagsisimula ng 49th Metro Manila Film Festival, nang mapanood namin ang pinag-uusapang historical fiction/horror film ng Mentorque Productions, ang “Mallari” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.
May ibang pakiramdam na sa pagsisimula ng pelikula ay bubungad ang logo ng Warner Brothers Pictures kasabay ng musical score, ang lakas maka-Hollywood.
At kasunod nito ang panimulang pasabog na katatakutan hatid ng unang Mallari.
Ang pangunahing karakter na nakabatay nga sa first documented serial killer sa Pilipinas na si Fr. Juan Severino Mallari.
Tatlong characters ang mahusay na nagampanan ni Piolo, una ang orihinal na Juan Severino noong 1812, bilang John Rey Mallari noong 1946 na gumagawa ng mga dokumentaryo noong post-World War II, at sa present day bilang Jonathan Mallari, na isang doktor na naghahanap ng lunas para sa kanyang kasintahan (Janella Salvador), na nakita sa panaginip sa mamamatay sa darating na panahon.
Ang screenplay ng ‘Mallari’ ay gumawa ng paraan para ipakita ang paglalakbay ng mga Mallari sa pamamagitan ng astral projection.
Sa pagsisimula ng kuwento, si Dr. Jonathan Mallari ay bumalik sa ancestral home ng kanyang pamilya sa probinsya bago ito ibenta, sa pag-asang mahahanap ang sagot sa isang tuluy-tuloy at nakababahalang panaginip tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang kasintahan.
Kasama rin niyang bumalik si Lucas (JC Santos) na naging tapat sa kanya sa buong buhay niya, na isa ring semenarista.
Sa kabuuan ng kanilang pamamalagi sa lumang bahay, may mga nangyari na naman na ‘di maipaliwanag na krimen. At natuklasan ni Jonathan na may higit pang natatagong sikreto bukod sa maalikabok na kasangkapan at mga rebulto.
Sa natatanging karakter ang ginampanan ni Piolo Pascual, mula sa pagtalon-talon sa tatlong magkakaibang panahon, na may mga senaryo ito na lumilipat mula sa mga isang bangungot pabalik sa katotohanan.
Sa tindi ng ginawa ni Piolo at sinasabing ito na ang pinaka-challenging na role ng kanyang career, isa siya sa mahirap na talunin sa pagiging Best Actor sa ‘Gabi ng Parangal’ ng 2023 MMFF na gaganapin ngayong gabi sa New Frontier Theater.
Maging si JC Santos, ay malakas din ang laban sa supporting actor category.
Nagpakitang gilas din sa kanilang pagganap sina Janella Salvador, Elisse Joson at si Ms. Gloria Diaz.
Strong contender din ang ‘Mallari’ sa Best Picture, Best Director at iba pang technical awards tulad ng cinematography, editing, musical score, at production design.
At dahil usap-usapan nga at marami ang natakot at napasigaw sa pelikula na mula sa direksyon ni Derrick Cabrido, as of December 26 ay higit 100 cinemas nationwide na ang ‘Mallari’.
Kaya pahuhuli ka pa ba sa paghahanap ng ‘sisiw’, sugod na sa malapit na sinehan sa inyong mga lugar.
Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.
(ROHN ROMULO)
-
Shabu, cash nasabat sa mga preso sa women’s correctional
ILANG sachet ng hinihinalang shabu at malaking halaga ng cash ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City kahapon (Miyerkoles). Sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology sa pasilidad, nakuhanan ang ilang preso ng […]
-
Ads May 20, 2024
-
Mass transit sagot sa malalang trapik
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na minamadali na ng pamahalaan ang paggawa ng mass transit system sa bansa para tugunan ang lumalalang problema sa trapiko sa bansa. Ayon sa Pangulo, ang prayoridad nila ngayon ay mga imprastraktura kontra sa trapiko at ang tanging sagot dito ay mga mass transit system […]