Jeepney group humihingi ng P5 fare hike
- Published on March 5, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG grupo ng mga jeepney operators at drivers ang humingi ng tulong sa pamahalaan na payagan silang magtaas ng pamasahe ng P5 sa mga public utility jeepneys (PUJs).
Ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ay naghain ng isang petition para sa fare hike ng mga PUJs sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
“We decried how jeepney drivers have been altruistic in continuing operations despite the increasing prices of goods and fuel and we think it is unfair for drivers to solely bear the costs. We are happy to serve the fellow Filipinos, but we are also asking the government to stop watching us suffer and do something about it immediately,” wika ni FEJODAP president Ricardo Rebano.
Ayon sa grupo masyado na silang nahihirapan kung kaya’t humingi sila ng tulong sa pamahalaan na payagan silang magtaas ng pamasahe upang maging tuloy-tuloy ang kanilang operasyon.
Tinanggap naman ng LTFRB and kanilang petisyon para sa fare hike na P5 kung kaya’t magkakaron ng hearing sa darating na March 8.
Humihingi ang FEJODAP ng fare adjustments na P1.50 para sa kada kilometro lagpas sa apat na kilometro
“If this is approved, this would be a big help for us. We hope that the government would grant the petition soon so the lives of jeepney drivers and operators would somewhat be unburned,” dagdag ni Rebano.
Noong 2018, isang direktiba ang binaba ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang ibaba ng P1 ang pamasahe sa Public Utility Jeepney (PUJ).
Pinagutos ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa LTFRB na nakalagay sa isang resolution na may petsang Dec. 3, na naglalayon na ibaba ng P1 ang mimimum na pamasahahe sa mga PUJ dahil sa bumabang presyo ng krudo sa merkado.
Kung kayat ang dating P10 na mimimum fare ay muling ibinalik sa P9. Isang buwan lamang ang nakakaraan ng magkaron ng pagtaas ng pamasahe na pinayagan ng LTFRB dahil sa tumataas na krudo sa mundo. Ang huling pagtataas ng pamasahe sa PUJs ay nangyari pa noong 2018. (LASACMAR)
-
Ads May 12, 2021
-
Pagtutulak para sa Alert Level 1 sa NCR, walang kinalaman sa halalan- MMDA exec
WALANG kinalaman sa nalalapit na halalan sa Mayo at nagpapatuloy na political campaigns ang hakbang ng mga Metro Manila mayors na ibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge at general manager Romando Artes, ibinase ng mga alkalde ang kanilang rekomendasyon sa […]
-
Garma iniugnay si Sen. Bong Go sa drug war finances via trusted aide na si ‘Muking
IBINUNYAG ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ang isang indibidwal na malapit kay Senator Bong Go hinggil sa financial operations hinggil sa kontrobersiyal na madugong war on drugs ng Duterte administration. Sa testimonya ni Garma sa House Quad Committee nuong Biyernes, tinukoy nito ang isang alias “Muking” kung […]