Jeepney operators at drivers binahagi ang mga hinaing sa consolidation
- Published on November 28, 2023
- by @peoplesbalita
MULING nanawagan ang mga jeepney operators at drivers sa pamahalaan na lumahok at nagtayo ng kooperatiba para sa programa ng PUV Modernization na tanggalin at huwag ng ipatupad ang consolidation.
Sa isang press conference na ginawa ng PISTON ay kanilang sinabi na ang mga operators na sumali sa consolidation ay nawalan ng kabuyahan dahil sa nasabing programa.
Ayon kay Rommel Odevilas ng Guadalupe-FTI Jeepney Operators and Drivers Association Inc. (GUAFTIODA) na nagtayo sila ng kooperatiba kasama ang 57 Filipino bilang mga miyembro at isang grupo ng Chinese noong 2019.
Ang mga nasabing Chinese ay silang may-ari ng mga modern jeepneys at sa katagalan ay sinabi ng grupo na hindi sila kumikita kung kaya’t hindi binigyan ang mga operators ng P800 na kita kada araw na kanilang pinangako.
Katagalan, ang mga drivers at ang Filipino na operatos ay hindi na pinayagan na pumunta ng kanilang opisina. Si Odevilas ay gumastos ng halos P50,000 para sa consolidation kung saan kanyang binigay ang prangkisa ng kanyang sasakyan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang lumahok sa nasabing programa.
“We really cried for what happened to us and we could not sleep. We sweated for our livelihood and yet nothing happened,” wika ni Odevilas.
Sa ngayon, ang iba nilang miyembro ay napilitang ipagbili na lamang ang kanilang mga sasakyan kung kaya’t ang ibang miyembro ay walang trabaho sa ngayon.
Naghain na sila ng reklamo laban sa dating nilang partners sa LTFRB at hinihintay na lamang nila ang desisyon ng ahensya.
Sa Pasig naman, sinabi ni Oscar Dela Pena na secretary ng Pasig-Mandaluyong-Quiapo Operators and Drivers Alliance (PAMAQODA) na ang kanilang kooperatiba ay hindi rin kumikita simula pa noong 2019 kung kaya’t ang kanilang mga miyembro ay hindi pa nakakakuha ng kanilang mga dividends.
Isang Emerson Bismonte naman ang nagsabing hindi rin sila nakakuha ng benepisyo mula sa SSS at Pag-ibig na dati pang pinangako sa mga drivers ng modern jeepneys noong sila ay nagtayo ng kooperatiba at sumali sa consolidation.
Umaasa sila Odevilas, Dela Pena at Bismonte kasama ang iba pang miyembro tulad ng mga drivers at operators na dinggin ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing hinggil sa kanilang mga panawagan.
Sa nasabing ginawang press conference ay kanilang pinilas ang kopya ng Omnibus Franchising Guidelines ng DOTr at kanilang sinabi na tutol sila sa phaseout ng traditional jeepneys. LASACMAR
-
3 dam sa Luzon muling nagpakawala ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan
MULI na namang nagpakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga Dam kahapon. Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang mga dam na dala naman ng nagpapatuloy na mga pag-ulan na dulot ng Hanging Habagat. Batay sa datos na inilabas ng mga eksperto, lumagpas […]
-
Updated guidelines laban sa mpox, inilabas ng DOH
Naglabas ang Department of Health (DOH) ng updated guidelines para mapigilan, ma-detect at mapangasiwaan ang mpox o dating tinatawag na monkeypox dito sa Pilipinas. Base sa inilabas na 8 pahinang Department Memorandum No. 2024-0306 na nilagdaan ni Health Secretary Ted Herbosa, pinapayuhan ang lahat na iwasan ang malapit na skin-to-skin contact gaya ng […]
-
Sa isang nakadudurog sa puso na episode: SANYA, pinuri ng maraming netizen dahil sa mahusay na pagganap
MULA sa pagiging hardcourt heartthrob ay nag-full time na sa kanyang showbiz career si Prince Carlos. After ma-launch bilang isa sa Boys of Summer ng Sparkle, sunud-sunod ang projects ng future Kapuso leading man. Kabilang sa mga ginagawa ni Prince ay ang isang special episode with Roxie Smith para sa 3rd anniversary ng […]