• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JEROME, NIKKO at DAVE, ihahatid ang pangmalakasang ‘good vibes’ sa first digital series ng Puregold Channel

ANG GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes ang first digital series na hatid ng Puregold Channel (YouTube at Facebook) na libreng mapapanood simula sa Hulyo 10, Sabado ng 7:00 PM.

 

 

Bida sa naturang comedy series ang tatlo sa hottest and most exciting leading men ngayon na sina Jerome Ponce,

Nikko Natividad at Dave Bornea, na magpapakalat ng ‘good vibes’.

 

 

Ang GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes ay inspired ng Palibhasa Lalake (1987-1998) na pinagbidahan nina Richard Gomez, Joey Marquez at John Estrada kasama si Ms. Gloria Romero

 

 

Tiyak na mapupuno rin ng mga kalokohan ng tatlong male boarders sa isang boarding house na gagampanan nina Jerome, Dave at Nikko at si Ms. Carmi Martin (bilang landlady na si Aling Pearly), kasama rin sa cast sina Wilma Doesnt at Elsa Droga.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Don Cuaresma, mayroon itong 8 episodes at 2 special episodes na mapapanood simula nga sa July 10 at ngayon palang ay humihirit na sila ng Season 2.

 

 

At ang wish nila, sana raw makapag-guest sa next season ng sitcom ang nasa original cast ng Palibhasa Lalake.

 

 

Nang tanungin si Jerome nina Boy Abunda at Gretchen Ho na host ng Sabado Bago Live, na kung saan nag-guest ang cast, dinescribe niya ang kanilang roles.    “Ako rito si Jawo, short for Jaworski. Ako iyong medyo kulang-kulang sa mga banatan, sa mga biglang pasok sa kuwentuhan. Ako iyong parang hopeless romantic. Sobrang mabilis ma-in love,” sabi ni Jerome.

 

 

“Si Nikko naman, siya dito si Dax. Short for… Eugene. Doon mo malalaman, ‘Huge’… gene. Kaya Dax. Ang galing! Ang galing ng ano, e!

 

 

“Si Dax naman dito ang mabilis ma-love at first sight. Siya ang pinakakolokoy dito.

 

 

“While ito namang si Dave, siya naman si Zeus, na parang Amboy, na talagang may sekreto, which is sa latter part po namin malalaman.”

 

 

The comedy series is a coming of age story of three housemates. Sa bawat episode, maha-highlight ang relatable adventures, antics, at life experiences.

 

 

“Puregold Channel is dedicated to our loyal customers. This is our way of rewarding and staying in touch with them outside the stores.

 

 

“This is Puregold’s thrust, to strengthen the future of retail through strong engagement and digital footprint,” pahayag ni Puregold Price Club Inc. President Vincent Co.

 

 

Maliban sa showbiz talk show nina Kuya Boy at Gretchen, sitcom nina Jerome, Nikko at Dave, mapapanood din sa Puregold Channel ang game show na Playtime Panalo ni Luis Manzano, stand-up comedy show na The Ha Ha Hour hosted by Alex Calleja, at Mobile Legends: Bang Bang gaming tournament na Puregold Esports Live.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Na-grant ang request na makipag-divorce kay KANYE WEST: Reality TV star na si KIM KARDASHIAN, officially single na

    WALA pa raw sa isipan ni Rhian Ramos ang magpakasal kahit na marami na sa kanyang mga kaibigan, in and out of showbiz, ay mga nag-asawa na at may mga sarili ng pamilya.     Sey ng bida ng Artikulo 247, na marami pa raw siyang gustong gawin at ma-achieve kaya never daw naging priority […]

  • Alert Level 0′ , posible kung ang COVID-19 ay magiging endemic —Densing

    POSIBLENG ipatupad ang “Alert Level 0” status kung idedeklarang endemic ang COVID-19 sa bansa.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na ang alert status ay puwedeng ihatol kung ang COVID-19 ay hindi na nakakaapekto sa buong bansa.     “Ang […]

  • PDu30, wala pa ring napipisil na susunod na PNP chief

    HANGGANG sa kasalukuyan ay wala pa ring napipisil si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) na magiging kapalit ni outgoing police chief Gen. Guillermo Eleazar.   “Wala pa po. Ako naman po ang tagapag-anunsiyo kung meron man. So sa akin po manggagaling ang impormasyon na iyan ,” ayon kay Presidential Spokesperson […]