• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JICA president Tanaka, nag-courtesy call sa Malakanyang

NAG-COURTESY CALL si Japan International Cooperation Agency (JICA)president Akihiko Tanaka kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.

 

“JICA has always been an important partner for the Philippines. It started only with infrastructure, but now you have also expanded into other areas, so we hope we can continue, especially the green projects we have now,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Tanaka.

 

“I think they are going very well and I don’t think we will have particular problems, but if there is anything more that we can do from the Philippine side, we will be happy to hear any suggestions from JICA,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

Buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan, tinintahan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang isang kasunduan na naglalayong maghanap ng mga solusyon para mapabuti ang transportasyon sa kalsada ng National Capital Region (NCR) at mga karatig na lugar nito.

 

Ito ay tatakbo sa loob ng tatlong taon hanggang 2027, sa ilalim ng proyekto ng JICA.

 

Pebrero naman ng taong 2022, Nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang 253.3 bilyon yen o P112.9 bilyon loan agreement para sa second tranche ng pagpopondo para sa pagtatayo ng Metro Manila Subway Project.

 

Ayon sa Department of Finance ang utang ay babayaran sa loob ng 27 taon at may palugit na 13 taon, para sa kabuuang panahon ng maturity na aabot sa 40-taon.

 

Ito ay kasunod ng naunang 104.53 bilyong yen o 47.58 bilyon pesos na inutang na nilagdaan noong 2018.

 

Samantala, nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay si Tanaka sa mga naging biktima ng sunod-sunod na tropical cyclones na tumama sa Pilipinas.

 

“As a country sharing a similar fate of having monsoon typhoons, the recent experience forced us to continue our collaborative work in disaster risk reduction,” ang sinabi ni Tanaka kay Pangulong Marcos.

 

“On this occasion, we think you, Mr. President, has some observations about how to tackle these types of natural disasters and what sort of things that do you consider JICA can be part of your work, that will be extremely appreciated,”aniya pa rin.

 

Samantala, kinalampag naman ng JICA ang serbisyo ng isang kompanya ng Japan para tulungan ang gobyerno ng Pilipinas na gumamit ng artificial intelligence (AI) sa disaster response.

 

Ngayon lamang Nobyembre, ang mga tropical cyclones na Nika, Ofel, at Pepito ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility at hinagupit ang ilang lugar sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Pacman, hahabulin ng gobyerno sa P2.2 bilyong hindi binayarang tax

    HAHABULIN ng pamahalaan ang P2.2 bilyon pa ring utang sa buwis ng boxing icon at Senador Manny Pacquiao.   Sa PDP-Laban meeting ay nabanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aalamin niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung ano na ang estado ng utang sa buwis ni Pacquiao.   “Mayroon akong.. he has a tax […]

  • Construction ng Quezon Memorial Circle station ng MRT 7, pinahinto ni Mayor Belmonte

    PINAHINTO ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon ang above-ground construction ng Quezon Memorial Circle station sa ginagawang Metro Rail Transit Line7 (MRT7).   Pinatigil niya ang construction matapos ang mga environmentalists at historians ay nakita na ang itatayong station ay makasisira sa integridad ng nasabing park.   “The project revealed that the proposed floor area […]

  • Mag-utol huli sa aktong nagsa-shabu sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang magkapatid matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unti (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na si Romeo David, 45, at […]