• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JINGGOY, ipinasilip ang puntod na pinagawa ni ERAP

Jinggoy Estrada files his Certificate of Candidacy for Senator on October 16, 2018, at the Comelec office in Manila. Photo by Angie de Silva/Rappler

IPINASILIP na ni former Senator Jinggoy Estrada sa kauna-unahang pagkakataon ang puntod na pinagawa mismo ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada, sa Tanay, Rizal.

 

Isa ito sa mga dapat abangan sa bagong episode ng YouTube channel ni Jinggoy na Jingflix.ph kung bakit nga ba nagpagawa ng kanyang puntod si President Erap.

 

“Samahan nyo po akong silipin ang puntod na pinagawa ng aking ama at silipin natin ang Joseph Ejercito Estrada Museum and Archives,” sey ni Jinggoy.

 

“Ito po ang first and exclusive museum tour na mapapanood nyo lang po sa aking YouTube channel.”

 

Laman ng museo ang makulay na buhay ni Pres. Erap simula sa kanyang pagiging artista. Kabilang dito ang mga movie posters, pelikula, at mga larawan kasama ang kanyang mga naging leading ladies.

 

Hindi rin mawawala ang mga memorabilia sa unang pagsabak ni Erap sa mundo ng pulitika bilang Mayor ng San Juan na nagsimula ng pag-unlad at pagkakakilala ng lungsod. Nandoon din ang kanyang mga landmark legislations nang maging Senador noong 1987 at Bise-presidente noong 1992.

 

Ang makasaysayang panunumpa ni Erap bilang Pangulo kasabay ng ika-100 taon ng pagdeklara ng kalayaan ay mababalikan din sa museo. Nandoon din ang mga larawan ng nang lisanin ng pamilya Estrada ang Malacañang.

 

“Balikan natin ang mga masasaya at ilang mapait na alala sa aking museum tour. Malaking bahagi po ng buhay ng aming pamilya ay bahagi ng kasaysayan ng ating bayan kaya naman gusto ko po na maibahagi ito sa inyo at sama-sama natin na mapahalagahan ang ating kasaysayan,” dagdag pa ni Estrada.

 

Napapanood na ang museum tour ni Jinggoy sa kanyang YouTube channel na Jingflix.ph. (ROHN ROMULO)

Other News
  • PAGTAAS NG ALERT LEVEL, IDEDEPENDE SA METRICS

    NILINAW  ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level ay depende sa metrics ng Alert Level System alinsunod sa  IATF Guidelines.     Ang pahayag ng DOH ay matapos na magkaroon ng negatibong reaksyon sa social media  kaugnay sa pahayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang panayam na […]

  • YORME ISKO, TUMANGGING PAG-USAPAN ANG PULITIKA

    TUMANGGI muna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pag-usapan ang pulitika dahil nakatutok ito sa pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.       Ito ay matapos siyang hingan ng komento hinggil pagsama sa kanya sa listahan sa mga posibleng kandidato para sa 2012 election ng bagong tatag na electoral […]

  • 80% kaso ng P.3 variant natukoy sa Central Visayas

    Mula sa Central Visayas ang malaking bahagi ng COVID-19 P.3 variant na unang natukoy sa Pilipinas.     “Of the 98 cases that we have detected to be positive for the P.3 variant, I think 80 percent were coming from Region 7,” ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau head Dr. Alethea de Guzman.     […]