JK, kinakiligan sa IG post pero may nagbabala sakaling manalo si MAUREEN sa ‘MUP’
- Published on July 28, 2021
- by @peoplesbalita
SA Instagram post ng singer na si JK Labajo nanawagan siya sa kanyang followers para suportahan ang kanyang girlfriend.
Kasama ang isang photo nakaka-beauty queen, nilagyan niya ito ng caption na, “Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko na si Maureen Christa Wroblewitz para po pansinin niya na po ako.”
Dagdag pa niya, “Panget po yung mga hindi po susuporta sa kanya. Salamat po.”
Agad namang nag-comment si Maureen ng pampakilig na, “Hi crush.” (with red heart emoji)
At pabiro naman itong nireplayan ni JK ng, “@mauwrob Sorry im taken.”
Naaliw at kinilig ang followers ng magkasintahan at nagsabing susuportahan nila si Maureen bilang official candidate sa paparating na Miss Universe Philippines 2021.
Comment naman ng netizens sa fashionpulis.com na yun iba ay nagbabala pa kay JK na puwedeng mangyari sa kanilang relasyon sakaling matagumpay na makuha ni Maureen ang minimithing korona:
“Kabahan ka na boy kapag naging MU ang gf mo!”
“They were together even before naging ASNTM winner si girl.”
“Naku wag nyong aksayahin ang panahon nyo sa pagboto diyan. Hindi nga marunong magtagalog ang hitad na yan.”
“Grabe naman galit mo girl.”
“Ang puso mo girl. Nasobrahan ka yata sa ampalaya.”
“Another bansot in MU.”
“Download the app and voted for her already.”
“Sana pag manalo ‘to, di ma janine tugonon si JK.”
“o kaya maging Rabiya.”
“Uy naka PO si kuya..ambait.”
“I think this will do Maureen more harm than good.
“On the bright side, prepare to be a statistic if Maureen wins lol.”
“Yung asawa ko na nagbabanda bumoto kasama bandmates nya dahil sa post ni Jk , kalowka pero cte.”
“The song Buwan was written as a birthday gift for her pala. I just found out the song was released on Maureen’s Birthday. Sweet din pla itong si Jk.”
“Maganda cya di mukhang retokada. Natural na natural ang beauty sana di padagdag ng boobs.”
“She will not do that dahil nga nagmomodel din siya. Plus she has a slim figure di naman siguro niya nanaisin magkabackpain. Hehe.”
“sya pinakamaganda mukha sa batch na to. kaya lang maliit sya 5’6 lang.”
“Kamukha na naman ni Shamcey! Alam na.”
***
SPEAKING of nakakakilig, may IG post naman si Marian Rivera-Dantes sa sweet moments nila ng asawa na si Dingdong Dantes, na kung saan pareho silang in good shape and healthy.
Series of three photos na may caption na, “No dull moments” kasama ang Smiling Face with Heart-Shaped Eyes Emoji.
Kitang-kita talaga kung gaano kalambing si Marian kay Dingdong at damang-dama rin sa photos ang labis nilang kaligayahan.
Pinusuan at napapa-sana all na lang ang netizens at followers nila sa sobrang ka-sweet-an ng mag-asawa. Para lang daw mag-bf/gf lang ang peg ng dalawa at maganda rin gayahin ng mag-sweetheart o mag-asawa ang naturang pictorial ng DongYan.
Tanong tuloy ng ilang netizen, paparating na ba ang Baby no. 3?
Oh well, kung ibibigay ba agad ‘yun ni God, sino ba naman sila para tumanggi?
(ROHN ROMULO)
-
May bagong bisyo na hindi maiwasan: MARK, naaadik sa pagbibisikleta at dinamay na rin si NICOLE
MAY bagong hindi maiwasan na bisyo ngayong taon si Mark Herras at dinamay pa niya ang kanyang misis na si Nicole Donesa. Kapwa sila naaadik sa pagbibisikleta. Pinost ni Mark at Nicole sa Instagram ang dalawang bagong bisikleta nila. Caption ni Mark: “2022 new hobby with wifey. Let’s go!!” […]
-
DepEd: Karamihan sa mga magulang, pinili ang modular learning para sa kanilang anak sa pasukan
Papalo sa halos 9-milyong mga magulang ang may gusto sa modular instruction bilang alternatibong learning modality para sa kanilang mga anak para sa darating na pasukan sa Agosto 24. Batay sa resulta ng mga nakalap ng Department of Education (DepEd) na datos mula sa Learner Enrollment and Survey Form (LESF) survey, lumabas na nasa […]
-
LGUs may boses, bida sa UniTeam administration
SINISIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may malaking papel na gagampanan at mapapakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan matapos silang manalo sa darating na halalan ngayong Mayo 9. Ito ang sinabi ni Marcos sa harap ng mga local officials ng Zambales sa kanyang pagbisita sa lalawigan. […]