JOHN LLOYD, ipinakita kay JASMINE ang pagiging simple tulad ng karaniwang tao
- Published on November 16, 2024
- by @peoplesbalita
MARAMING natutunan si Jasmine Curtis-Smith mula sa mahusay na actor na si John Lloyd Cruz, na unang beses nilang nagsama sa pelikulang ‘Moneyslapper’ na bahagi ng QCinema International Film Festival.
Lahad ni Jasmine, “Magpakatotoo ka talaga pagdating sa pagtatrabaho mo kasi I think sa tagal niya rin sa industriya he really knows what he wants to get out of the industry now, at this stage of his career.
“And ako napapansin ko I’m very lucky, kasi early on ko yun na-discover sa sarili ko and sa career ko din so iyon yung mas gusto ko ding bigyan ng pansin, ng oras, ng effort.
“Kasi lahat na ng aspeto ng industriya natin meron na siyang sariling spotlight, meron na siyang sariling movements.
“So actually hindi na tulad noon na iyon nga, kapagka sa pelikula di ba bihira mapanood ang indie.
“Pero ngayon tingnan mo naman, he’s also investing in an indie film. He’s one of the producers of the film. So iyon yung aking pinaka natutunan talaga.
“If you want to look for a film like that, gusto mong magkaroon ng pelikulang ganun, why not gawin mo?
“Why not you produce it,” ang nakangiting pahayag ni Jasmine.
Kumusta bilang producer si JLC?
“Actually hindi ko masyadong naramdaman e,” ang nakangiting pakli ni Jasmine.
“Maybe he kept it na wala sa set? Yung ganung… producer hat niya.”
Mas nag-uusap raw bilang producer sina John Lloyd at direktor ng Moneyslapper na si Bor Ocampo.
May mga nagsasabi na may pagka malalim si John Lloyd bilang isang artist; naranasan o naramdaman ba ito ni Jasmine habang ginagawa nila ang pelikula?
Napaisip muna si Jasmine bago sinabing, “Oo… I think so naman. I think, well I think na-experience ko yung tunay na pagkatao niya.
“I mean merong isang gabi noon na going back from the set we were able to pass by, malapit lang sa amin, nakita ko siya na kumakain ng pares sa tapat ng 711 somewhere.
“Yung may cart lang. So sabi ko, ‘Parang nainggit naman ako ng ganun!’
“Ang sarap, it’s 11 PM, walang tao, nasa Pampanga kami, tapos walang may kakilala sa kanya, so nainggit ako, sumali ako sa kanya!
“Bumaba ako from my car tapos naglakad na lang kami pabalik ng hotel.
“So it’s more of yung mga ganung small moments, like I guess in-expect ng mga tao na susyal siya, magarbo siya, being the John Lloyd Cruz na status niya.
“Pero ako I’m grateful na-experience ko yung simple, real self niya.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Rep. Arnie Teves, pinatalsik na sa Kamara
TINANGGAL na ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., mula sa Kamara dahil sa “disorderly behavior” at “for violation of the Code of Conduct of the House of Representatives.” Sa botong 265-0-3, ipinasa sa plenary ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na patawan ng pinakamabigat na parusang […]
-
Ads July 15, 2023
-
Transport group na PISTON , bigong makakuha ng TRO mula sa SC
HINDI agad pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON na humiling na suspendihin ng korte ang jeepney consolidation program ng pamahalaan. Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang DOTr at LTFRB hinggil sa petition for certiorari and Prohibition with […]