JOHN LLOYD, nilinaw na matagal na silang magkaibigan ni KATRINA, wish ng fans na magka-serye sila ni BEA sa GMA
- Published on July 3, 2021
- by @peoplesbalita
NILINAW na ni John Lloyd Cruz, na friends lamang sila ni Kapuso actress Katrina Halili.
Matagal na raw silang magkaibigan and in fact, dahil may real estate investments si Katrina sa El Nido Palawan, malamang na ang actress ang tumulong kay Lloydie, para makabili siya ng property doon.
Still on John Lloyd. Last Thursday, July 1, ay pumirma na ng contract si Bea Alonzo sa GMA Network, kaya masaya ang mga fans nila, na miss na miss na nila ang kanilang mga idolo, dahil matagal-tagal na rin nang huli silang magtambal sa ABS-CBN.
Kasunod na rin ba ni Bea na pipirma si Lloydie sa GMA? Matatandaan na nakausap na ni Atty. Annette Gozon-Valdes si Lloydie kamakailan, kasama ng actor si director Bobot Mortiz.
Wala pa namang inilalabas na report kung may napagkasunduan na sila sa pag-uusap nila. Wala pa rin namang sinabi kung ano ang unang project na gagawin ni Bea sa GMA, pero ngayon pa lang, ang request ng mga fans nila ay isa raw sanang teleserye ang unang pagtambalan nina Lloydie at Bea sa GMA.
Dapat ay may gagawing movie sina Bea at Lloydie sa Star Cinema with Director Cathy Garcia Molina. At may gagawin namang movie si Bea with Asia’s Multimedia Media Star Alden Richards for Viva Films, GMA PIctures and APT Entertainment, alin kaya ang mauunang gawin ni Bea?
Abangan!
***
NAKATUTUWA si Ms. Dina Bonnevie na hindi niya ikinaila na gustung-gusto niya ang dimples ng co-star niyang si Alden Richards, na first time niyang nakatrabaho sa The World Between Us.
“Mahusay na actor si Alden, hindi siya takot mag-explore sa character na ginagampanan niya,” kuwento ni Dina.
“Like sa aming serye, iba ang character na gagampanan niya, at inamin niya na first time niya itong gagawin, so hindi lamang ito just a love story, naiiba ang mga characters na ginagampanan namin.
Makakasama rin nina Dina at Alden sa The World Between Us sa mga naiibang role sina Tom Rodriguez. Jasmine Curtis-Smith, Ms. Jaclyn Jose, Kelly Day, with the special participation of Glydel Mercado, under the direction of Dominic Zapata.
“Kaya sana you will not miss our primetime series starting on Monday, July 5, after ‘24 Oras’ sa GMA-7.”
***
SIMULA bukas, July 4, ang isang zestful and youthful nights sa GMA Network sa pamamagitan ng Gen Z comedy-gag-variety show ng FLEX, with promising and talented stars – Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, and Althea Ablan – dubbed as the FLEX Leaders.
Ang iba pa nilang makakasama ay ng mga Kapuso stars na sina Will Ashley, Elijah Alejo, Ysabel Ortega, Allen Ansay, Jamir Zabarte, Dani Porter, Dave Duque, at Kim de Leon sa pilot month, mapapanood tuwing Linggo, 8:20PM sa GTV.
(NORA CALDERON)
-
Netizens, kinilig at hiling na sana’y pakasalan na siya: KIM, ang sweet ng birthday message para kay XIAN
ANG sweet ng birthday message ni Kim Chiu para sa kanyang boyfriend na si Xian Lim. Kasama ang compilation ng kanilang mga sweet photos and videos together, at may caption ang IG post ni Kim ng… “Happy Birthday to the person who holds my
. Thank you for being you and always […]
-
Ads April 27, 2022
-
PBBM, pinayagan ang adopsyon ng hybrid rice para palakasin ang pag-ani ng pananim
PINAYAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt sa hybrid rice bilang “better alternative” sa inbred variety para itaas ang crop production. Ito’y makaraang makipagulong si Pangulong Marcos sa SL Agritech Corporation (SLAC), kung saan ang tumayong kinatawan ay si SLAC chairman at chief executive officer (CEO) Henry Lim Bon Liong, at […]