JOHN LLOYD, posibleng makasama si MAINE sa isang romcom series; MARIAN, game ding makatambal ang aktor
- Published on January 22, 2022
- by @peoplesbalita
KUMALAT ang tsikang posibleng makatatambal ni Marian Rivera si John Lloyd Cruz sa isang romcom series na mala-Korean drama raw ang dating.
Bukas naman si Marian na nilulutong project sa kanila ng GMA Network at napa-’why not?’ pa raw ang Kapuso Primetime Queen.
Pero nabasa rin namin sa twitter na may nagpu-push din na ipareha si Lloydie kay Maine Mendoza, na bigla ngang nag-trending, dahil maraming may gusto at bagay din ang dalawa.
Aminado rin si Maine na tagahanga siya ng aktor at nasa bucket list daw niya na makatrabaho si Lloydie.
Paano raw kung dalawa ang maging leading ladies ni John Lloyd sa kanyang gagawin teleserye?
Dahil pareho naman under Triple A (All Access to Artists) sina Marian at Maine, nasa pag-uusap naman ‘yun ng GMA at sa kanilang manager na si Mr. Tony Tuviera.
Samantala, muli namang pinalabas ang guesting ni Marian sa Eat Bulaga years ago na kung saan kasama siya nina ni Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo na sumusugod sa bahay, kaya marami na namang naaliw sa aktres.
***
SIMULA na bukas, January 23, ang streaming ng GL (girl love) series na Lulu sa Vivamax.
Mula ito sa box-office director ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo, na pagtatambalan ng sultry actress na si Rhen Escaño (Adan, The Other Wife, Paraluman) at ang baguhang aktres na si Rita Martinez (The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate).
Sa unang pagkakataon, mapapanood natin ang pagkakalog ni Rhen, malayo sa mga nakaraang roles niya, na unang napansin sa Untrue na mula rin kay Direk Sigrid.
Ayon pa kay direk, ang Lulu ay romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pag dating sa lesbian love stories.
Ibinahagi rin ni Direk Sigrid na matagal na niyang tinatago ang konsepto ng kwento ng Lulu. Humahanap lamang siya ng tamang panahon para ituloy ang pagsulat nito at maipalabas sa telebisyon o sinehan.
Salamat sa Viva Films at Viva TV na bukas sa realidad ng girl love and boy love stories at sa wakas ay nabigyan ng pagkakataon ang award-winning writer/director na ibahagi ang kwentong ito na siguradong magugustuhan ng mga open-minded na manonood.
Ang Lulu ay tungkol sa isang relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie (Rhen).
Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated na. Siya ay nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip niyang ipaayos na rin ito.
Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay hindi maganda ang nagiging resulta. Sa katunayan, iniisip ni Sophie na wala na siyang ginawang tama sa 25 taon na nilalagi niya sa mundo.
Ngunit nang dumating si Abi (Rita) sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama. Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band. Laging planado ang buhay niya maliban ngayon.
Ngayon, gusto ni Abi na maglakbay nang walang sinusunod na plano. Dahil dito ay napadpad siya sa AirBnB property ni Sophie. Simula nang magkakilala sila, hindi na napigilang mahulog ang loob sa isa’t-isa.
May walong episodes ang GL series na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax.
Sundan kung paano makakaapekto sa relasyon nina Sophie at Abi ang pagbabalik ng kanilang mga ex at ang paglutang ng mga dating lihim at hinanakit.
Pareho namang excited sina Rhen at Rita na makita ng mga tao ang pagmamahalan nina Sophie at Abi. Naniniwala si Rhen na walang masama sa ganitong klaseng kwento dahil walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.
Para mapanood ang Lulu, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store.
Mapapanood din ang Lulu sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.
Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA na rin ito.
(ROHN ROMULO)
-
Fajardo nakalikom ng P25-K sa paglalaro ng DOTA 2 na itutulong sa mga nasalanta ng bagyo
Nakalikom ng halos P25,000 ang inilunsad na game channel ni PBA star June Mar Fajardo para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo. Naisip ni Fajardo mag-livestream ng kaniyang laro sa DOTA 2 para makalikom ng pondo na pantulong. Dagdag pa nito na wala itong inilaan na minimum na halaga kung magkano ang puwedeng […]
-
NBA MVP Nikola Jokic sinuspinde ng NBA; Morris at Butler ng Miami minultahan
Sinuspinde ng NBA ng isang game ang Denver Nuggets star at reigning MVP na si Nikola Jokic dahil sa sinasadyang pagtulak sa Miami Heat forward na si Markieff Morris nitong nakalipas na Martes. Dahil dito ang tinaguriang franchise center ay hindi makakalaro sa Huwebes kontra Indiana Pacers at wala ring sweldo sa isang […]
-
Ads November 28, 2022