• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOHN, napanood agad at mas astig ang role sa longest action-drama series ni COCO after na magka-isyu sa sitcom

MULA nang pumutok ang issue involving Ellen Adarna sa sitcom na John en Ellen ay nag-stop taping na raw ang show.

 

 

Ellen has quit the show as well.

 

 

Hindi na rin napapanood ang program sa TV 5 every Sunday since August 1.

 

 

Si John Estrada naman ay napapanood na sa FPJ’s Ang Probinsyano, which has featured new episodes na may bagong cast members na.

 

 

Bukod kay John, kabilang sa bagong cast ng FPJAP ay sina Rossana Roces, Joseph Marco, Tommy Abuel, Chai Fonacier at Julia Montes, na bagong leading lady ni Coco Martin.

 

 

A week after mapabalita na join na si John sa cast ng FPJAP ay napanood na agad ang actor sa longest-running action drama on Philippine TV.

 

 

Depende rin naman ito sa magiging desisyon ni John kung gusto pa niyang ipagpatuloy ang show kahit na nasa FPJAP na siya kung saan markado ang role niya.

 

 

Pero kung nasa FPJAP na si John, gugustuhin pa ba niyang i-revive ang sitcom niya sa TV 5?

 

 

Siyempre mas astig ang dating ng role niya sa action-drama series. At pwedeng humaba ang exposure niya serye, tulad nina Lorna Tolentino, Richard Gutierrez, John Arcilla at Tirso Cruz III.

 

 

***

 

 

BINIRO namin si Rex Lantano na parang ang dami niyang kissing scenes sa bago niyang movie na Love at the End of the World, kung saan katambal niya si Kristoff Garcia.

 

 

“Malala po ang ginawa ko rito,” sagot niya sa amin. “Ito ang pinaka-daring role na ginawa ko. Ibang-iba sa role ko sa Daddy Love.”

 

 

Wala naman daw nag-take advantage sa kanya. “Trabaho lang po, natatawang sabi niya.

 

 

Love at the End of the World is the comeback directorial assignment of Shandii Bacolod.

 

 

Sabi pa ni Rex, sana raw ay sumikat na siya at mapansin dito sa BL movie.

 

 

Biro namin sa kanya, kung mas daring ka rito, malamang sisikat ka na. Sana raw ay magkatotoo ang sinabi ko.

 

 

May three shooting days para raw ang BL movie na ito na tinampukan din nina Gold Azeron, Nicco Locco, Markki Stroem, Yam Mercado, Elijah Filamor, at Mike Liwag.

 

 

The movie is produced by Temporary Insanity Pictures.

 

 

***

 

 

MALAKING surpresa para kay Direk Jay Altarejos ang 7 Gawad Urian nominations na natanggap ng small film niyang Memories of Forgetting.

 

 

Bukod sa Best Director, nakakuha rin si Direk Jay ng nominations for Best Screenplay at Best Editing.

 

 

“Memories of Forgetting is a very small artistic endeavor during the lockdown last year,” kwento ni Direk Jay via FB messenger interview.

 

 

“It is overwhelming to be appreciated. It comes at one of the most significant times not only of my life, but maybe of our generation. Para siyang pampasaya sa gitna nang nakapanlulumong sitwasyon dala ng Covid at ng kasalukuyang gobyerno.      “It think these 7 nominations of the film, three of which are mine, have come at the right time in my career. I am humbled and grateful.”

 

 

Nagkamit din ang movie ng nominations for Best Actor (Noel Escondo), Best Supporting Actress (Dexter Doria), BestCinematography at Best Production Design.

 

 

Hindi naman daw siya nagtaka na di nagkamit ng Best Picture nomination ang Memories of Forgetting.

 

 

“Sometimes, when you judge a film, you like particular things,” sabi ni Direk Jay.

 

 

Sa October 6 gaganapin ang virtual awards night ng Gawad Urian in a venue to be announced later.

 

 

Incidentally, ipalalabas sa KTX.ph ang Memories of Forgetting simula September 3.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Kelot isinelda sa baril sa Caloocan

    BAGSAK sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.       Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jeffrey Gumaru, 37 ng Brgy. 118 ng lungsod.       Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern […]

  • 3 propesora sinaluduhan ng PSC

    SUMAWSAW ang Philippine Sports Commission (PSC) sa selebrasyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa International Day of Education nang itakda nang itampok ang tatlong propesora sa Rise Up! Shape Up Web Women in Sports Program.     “We all know how important education is in building the character of responsible citizens. […]

  • Ads May 21, 2021