‘Joint Panel’ para tutukan ang smuggling, hoarding, price manipulation … Kamara bumuo ng “Quint Committee”
- Published on October 7, 2024
- by @peoplesbalita
BUMUO ang House of Representatives ng joint panel na binubuo ng limang komite upang tutukan ang paglaban ng mga ahensya ng gobyerno sa smuggling, hoarding, price manipulation, at iba pang gawain na humahadlang sa malayang kalakalan.
Ayon kay Speaker Romualdez, pangunahing layunin ng batas na ito ay gawing mas abot-kaya ang presyo ng pagkain at maiangat ang buhay ng mga magsasaka.
Tatawaging “Quint Committee” ang nasabing joint panel na pangungUnahan ng House Committee on Ways and Means na pamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda.
Iginiit pa ni Speaker na babantayan ng joint panel ang pagpapatupad ng bagong nilagdaang Republic Act (RA) No. 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Noong nakaraang linggo nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang nasabing batas sa Palasyo ng Malakanyang na tinunghayan ng mga senador, kongresista at mga opisyal ng gobyerno.
Samantala, ayon kay Pangulong Marcos, ituturing na “economic sabotage” ang smuggling, hoarding, profiteering, at cartel operations, at papatawan ng mabigat na multa at habangbuhay na pagkakakulong ang mapapatunayang sangkot sa mga ilegal na gawain.
Sa ilalim ng batas, itatatag din ang council at enforcement group para sa pagsugpo ng smuggling operations at pagdakip sa mga lalabag sa batas. (Daris Jose)
-
Ads January 8, 2020
-
PBBM, ipinag-utos sa PNP na imbestigahan ang “fatal shooting” sa radio broadcaster
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyan ng katarungan ang radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos na namatay matapos pagbabarilin habang naka-on-board sa loob mismo ng kaniyang radio station sa Misamis Occidental. Sa katunayan, inatasan na ni Pangulong Marcos ang Philippine National Police […]
-
Ads February 2, 2021