Jordan Clarkson, Utah Jazz sintunado vs San Antonio
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
2022-2023 (77TH) NBA STANDING
EASTERN CONFERENCE
TEAM W L
1. Boston 24 10
2. Milwaukee 22 11
3. Brooklyn 22 12
4. Cleveland 22 13
5. Philadelphia 20 12
6. New York 18 16
7. Atlanta 17 16
8. Indiana 17 17
9. Miami Heat 17 17
10. Toronto 15 18
11. Chicago 14 19
12. Washington 13 21
13. Orlando 13 21
14. Charlotte 9 25
15. Detroit 8 28
WESTERN CONFERENCE
TEAM W L
1. Denver 21 11
2. New Orleans 21 12
3. Memphis 20 12
4. LA Clippers 20 15
5. Phoenix 19 15
6. Sacramento 17 14
7. Dallas 19 17
8. Dallas 18 16
9. Utah 19 17
10. Golden State 16 18
11. Minnesota 16 18
12. Oklahoma 14 19
13. LA Lakers 13 20
14. San Antonio 11 22
15. Houston 10 23
RESULTS:
Portland 124, Charlotte 113
San Antonio 126, Utah 122
New Orleans 113, Indiana 93
Houston 133, Chicago 118
Miami 113, Minnesota 110
Brooklyn 125, Cleveland 117
LA Clippers 142, DSetroit 131 (OT)
WALANG makaiskor para sa San Antonio sa final minutes, rumesponde si Tre Jones para ipreserba ang 126-122 pambulagang panalo ng Spurs laban sa Utah Jazz sa 77th National Basketball Association 2022-23 regular season game sa AT&T Center nitong Lunes.
Ibinaon ni Jones ang huling dalawang buckets ng Spurs(11-22) at tumapos ng 11 points, 5 rebounds at 5 assists.
Limang Spurs ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 24 ni Devin Vassell na may 8 assists pa. May 21 si Keldon Johnson, sorpresang 20 points kay Malaki Branham off the bench.
Nag-ambag si Jakob Poeltl ng 16 markers, 9 boards.
Naligtasan ng San Antonio ang maangas na laro nina Lauri Markkanen (32 points, 12 rebounds) at Jordan Clarkson (25-7).
Nasa unahan ang Spurs 96-82 pagkatapos ng third quarter, hinigpitan ng Jazz (19-17) ang depensa sa fourth para manatili sa laro.
Nagkasa ng 10-0 run ang Utah para idikit sa apat papasok ng final minute bago ang bail-out baskets ni Jones . (CARD)
-
MGA MALLS SA MAYNILA GAGAMITIN NA VACCINATION SITE NG PEDIATRIC
BINUKSAN na rin ang ilang mga malls sa Maynila para sa vaccination ng pediatric age mula 5 hanggang 11 taong gulang simula ngayong araw. Sa ibinahaging impormasyon ng Manila Public Information Office (MPIO), maaari nang magtungo sa SM San Lazaro, SM Manila, Robinson’s Place Manila, at Lucky Chinatown ang nasabing age group para […]
-
Eye glasses at wheelchair, sagot na rin ng PhilHealth
MAGANDANG balita dahil sasagutin na rin ng PhilHealth ang mga prescription glasses, crutches, walker at wheelchair ng mga miyembro nito sa Enero 2025. Ito’y bunsod na rin ng pakiusap ni House Speaker Martin Romualdez sa mga opisyal ng PhilHealth. “Problema talaga ng mga seniors at PWDs ang mga gamit na ito […]
-
PBBM, ipinag-utos ang mapayapang resolusyon ng maritime dispute – NMC
NANANATILI ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang mapayapang resolusyon sa pinagtatalunang katubigan, kabilang na ang West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng pinakabagong agresyon ng Escoda Shoal. “As directed by the President, the Philippines will fully utilize and continue to pursue diplomatic channels and mechanisms under the rules-based […]