• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jordan positibo sa Covid-19

UNITED STATES – Pakiramdam  ng isang National Basketball Association (NBA) star ay  timaan siya ng malas matapos magpositibo sa novel coronavirus isang buwan bago magsimula ang muling pagbubukas ng liga.

 

Ayon kay  Brooklyn Nets star DeAndre Jordan na na-diagnosed siya na positibo sa Covid-19 ilang araw bago tumulak papuntang Florida para sumabak sa training camp.

 

Sinabi ni Jordan malabo na siyang makapaglaro sa pagbubukas ng liga sa July 31 (Manila time).

 

“Hindi ko akalain na magpositibo ako  sa pangalawang confirmation,” ani ng 31-anyos na dating NBA All-Star sa kanyang social media account.

 

Hawak ng Nets ang pang-pitong pwesto sa  NBA Eastern Conference kaya malaki ang posilibidad na makapasok sila sa playoffs.

 

Nitong nakaraang season ay kumakamada si Jordan ng average na 8 points at 10 rebounds.

 

Pitong manlalaro ng Nets ang hindi makakasali sa muling pagbubukas ng liga gaya nina Spencer Dinwiddle at Kevin Durant dahil sa novel coronavirus.

Other News
  • Obispo, nababahala sa pagpasok ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas

    Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nababahala sa pagpasok ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas     Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kaugnay sa presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.     Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates […]

  • Bulacan, Cavite at Rizal, alert level 3 na rin

    BUNSOD ng pagsirit ng COVID-19 cases sa ilang lokalidad, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Lunes ang rekomendasyon ng kanilang sub-Technical Working Group on Data Analytics na itaas ang Bulacan, Cavite, at Rizal sa Alert Level 3.     Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, epektibo ngayong araw, Enero […]

  • Rigodon sa Kamara: Kumalaban kay Cayetano, hinubaran ng chairmanships

    KASUNOD ng ugong ng kudeta sa House Leadership, nagpatupad ng rigodon kahapon sa House Committee Chairmanship kung saan tinanggalan ng pwesto ang ilang mambabatas na hindi kaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaring nasa likod ng ouster plot.   Sa pagsisimula ng House Plenary Session kahapon (Lunes) ay agad na nagmosyon si Senior […]