JOSHUA, may tsikang ini-stalk nina JULIA at GERALD ayon sa netizens
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
PINAG-USAPAN nga ang pagpayag ni Joshua Garcia na makasama ang kanyang ex-girlfriend na si Julia Barreto sa music video ng ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre na hanggang ngayon ay #1 on Trending sa Youtube na meron nang 19.6 million views simula nang I-upload noong Febraury 14.
Isa nga sa dahilan ni Joshua ay kaibigan niya ang mag-asawang Moira at Jason Hernandez at isa itong project na mahirap tanggihan.
Kaya naman nang mag-guest si Moira sa ASAP Natin ‘To last Sunday, natanong si Joshua ng mga kasamahang hosts na sina Enchong Dee at Kim Chiu kung paano siya napapayag na I-feature sila ni Julia sa trending music video ni Moira.
“Simple lang ang sagot ko diyan, ‘yung friendship namin nila Moi, nila Kuya Jason and Julia. ‘Yun ‘yung isa sa nagpa-oo talaga sa akin,” tugon ni Joshua.
Dagdag pa ng batang aktor, “Si Moi ‘yung nag-ask sa akin, eh. Sabi niya, ‘Okay ka ba to do this Paubaya?’ “Napakinggan ko yung kanta. Sabi ko, ‘Ang ganda nito ah. Parang saktong-sakto masyado sa amin.”
Sa video, damang-dama ang pagso-sorry nila sa isa’t-isa, na sobrang nakaka-touch at masasabing tamang closure ‘yun sa pagtatapos ng kanilang relasyon at ngayon nga ay magkaibigan pa rin ang dalawa sa kabila ng mapait na nangyari.
Kasama rin sila ni Julia nina Moira at Jason sa nagsulat ng script, “May script siya, kami ‘yung gumawa, ako, si Moi, si Kuya Jason and si Jul. Kami yung gumawa apat,” sabi pa niya.
“Siyempre may guide kung hanggang saan lang kayo. Pero ‘yung sasabihin as an actor, kung saan ka komportable siyempre, kung saan mo mararamdaman.”
Samantala, pinag-uusapan naman ngayon ng netizens nang ma-screenshot nila na nanonood daw sina Julia at Gerald Anderson ng ‘dance clip’ ni Joshua sa JoshLia fan account, na ang dating sa iba ay parang ini-stalk nila ang aktor.
Sey ng netizens: “Ito pala ang hobby ng dalawa, sumilip sa mga fan accounts ng mga ex. Happy ba talaga sila parang sa mga actions nila parang hindi at may regrets. Nanahimik na si Joshua nagpaubaya na nga dati pa. Focus na sya sa career.”
“Pati si Joshua stalk na rin. Bored ba sila na kung ano na ang ginagawa. My gulay itong dalawa umamin na kayo para mag post na mag post ng pictures kesa puro stalk sa mga exes ng isa’t isa.”
“kung di si bea, si joshua naman inisstalk nitong si hulya.. kaya to najijinx eh.”
May nag-comment naman ng, ”Na kay Joshua ang huling halakhak. Ang galawan ng dalawa parang ewan. Wag muna mag girlfriend Joshua at malayo pa ang mararating mo. Hayaan mo ang dalawang yan at palubog na ang career kaya todo papansin.”
“Nagagwapuhan talaga ako kay Joshua! Mas appealing at gwapo sya keysa kay Ge.” (ROHN ROMULO)
-
Police power kailangan laban sa agri smugglers- DA exec
BINIGYANG diin ng Department of Agriculture (DA) ang pangangailangan para sa ahensiya na mabigyan ng police power para arestuhin at kasuhan ang mga smugglers sa bansa, maging ito man ay technical o outright. Iginiit ni Agriculture Undersecretary Fermin Dantes Adriano na limitado kasi ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng batas at umaasa lamang […]
-
Bianca, isa sa tatlong leading lady ni Dennis
MUKHANG nalilinya si Kapuso young actress Bianca Umali, dahil pagka- tapos niyang gawin ang matagumpay at award-winning cultural drama na Sahaya, na gumanap siyang isang Muslim girl na naging unang teacher sa kanilang lugar sa Tawi-Tawi, siya muli ang napili ng GMA Entertainment Group na gumanap sa isa pang malaking proyekto, ang Legal Wives na […]
-
VP Leni Robredo, mga anak lumipad pa-New York
LUMIPAD pa-New York City si Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang mga anak upang dumalo sa graduation ng kanyang bunso na si Jillian at gugulin ang oras kasama ang kanyang pamilya. Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Aika, anak ni Robredo, ng video kasama ang kanyang ina at mga kapatid habang sakay ng […]