JOVIT, nais pa ring makuha ang anak mula sa ex-girlfriend na nadadawit ngayon sa scam
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
ANO ba yan? Uso na ba ngayon ang mag-delete ng post at followers sa social media?
Pagkatapos umamin sa kanilang relasyon, nagulat ang netizen sa biglang pag-unfollow ni Kiko Estrada sa Instagram account ni Heaven Peralejo.
Hindi lang si Heaven, kundi lahat ng pina-follow ni Kiko ay deleted na.
Pati na ang kanyang mga pinost na photos at videos, kasama na roon ang sa kanila ni Heaven, ay deleted na mula sa kanyang IG account.
Sa IG account naman ni Heaven, pina-follow pa rin niya si Kiko at nandoon pa rin ang mga litrato nila.
Marami tuloy ang nagtaka kung ano na naman ba ang nangyayari kay Kiko? Noong August 31 lamang ay nag-post ito ng romantic moments nila ni Heaven dahil nag-celebrate sila ng kanilang third monthsary bilang magsyota.
Ganito rin daw ang ginawa niya noon sa ex-girlfriend na si Devon Seron na in-unfollow niya at dinelete ang lahat ng photos na magkasama sila sa IG.
***
NAIS palang makuha ng Pilipinas Got Talent 2010 winner na si Jovit Baldivino ang kanyang anak mula sa ex-girlfriend nito.
Sa Facebook, pinost ni Jovit na gusto na nitong makuha ang anak mula kay Shara Chavez. May karapatan daw siya sa kanyang anak na ngayon ay 5-year old na.
“Ang sa akin lang po eh ’yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama, kasi matagal na n’ya itinatago sa akin s’yempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko. ’Yung pamilya ko nga nalulungkot ’pag hindi nakita ang pamangkin at apo,” sey ni Jovit.
Dagdag pa niya na gusto niyang makita kung gaano na kalaki ang kanyang anak at kung naaalala pa ba siya nito. Matagal na raw kasi siyang walang communication sa ina ng kanyang anak na ngayon ay nadadawit diumano sa isang scam.
“Marami pong nagtatanong sa akin kung nasa’n daw si Mrs. Shara Jane Chavez Cruz. Mawalang-galang na po matagal at wala na po akong connection sa kanya. Hindi ko nga po alam kung nasaan s’ya, kahit nga po anak ko hindi na n’ya pakita sa akin matagal na panahon na, at kung ano man pong lumabas na issue o pang-i-scam n’ya.
“Hindi na po bago ’yun. Hehehe. Wala po ako pakialam d’yan. Problema n’ya ’yan, at siguro naman po alam n’yo na ang tunay na pagkatao n’ya.”
Hiniwalayan ni Shara si Jovit dahil sa pambabae raw nito noon. Dinepensahan naman ni Jovit ang kanyang sarili.
“Masaya na po ako ngayon, at masaya na din kasi nabigyang linaw na lahat. ’Yung matagal na panahong nanahimik ako sa bintang at kasalanan na hindi ko naman ginawa, pinagpasa-Diyos ko na lang lahat, kasi s’ya naman talaga nakakaalam nang lahat.”
***
ANG British actor na si Daniel Craig ang tinanghal na highest paid actor in the world pagkatapos nitong pumirma ng isang lucrative deal with Netflix.
Sa kanyang kontrata with the streaming giant, gagawa siya ng two sequels ng pelikulang Knives Out kunsaan babayaran siya ng $100 million.
Na-overtake na ni Craig ang wrestler-turned-actor na si Dwayne ‘The Rock’ Johnson, na binayaran ng $50 million dollars para sa pelikulang Red One.
Ang ikatlong highest paid actors ay sina Will Smith at Denzel Washington na parehong binayaran ng tig-$40 million para sa pelikula nilang The Little Things.
Nasa ikaapat na puwesto ay si Leonardo DiCaprio with $30 million for the Netflix film, Don’t Look Up.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Phoenix tambak sa Beermen 114-93
Nilampaso ng San Miguel Beermen ang Phoenix Super LPG 114-93 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governors’ Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo. Ito ang unang panalo ng bagong coach ng Beermen na si Jorge Gallent na pumalit kay Leo Austria. Nanguna sa panalo ng Beremen ang import nila na si Cameron […]
-
Ads February 15, 2021
-
MARIAN, hoping na mabibigyan pa sila ni DINGDONG ng isang pang anak kahit happy na kina ZIA at ZIGGY
KAPUSO royalties, Dingdong Dantes and Marian Rivera are ready to have a third child. Sa isang interview, sinagot ni Marian ang tanong na ito ng, “kung ano ang ibigay sa amin ng Panginoon, tatanggapin namin.” “Para sa amin ni Dong, ang dalawa ay okay sa amin, pero kung pagpapalain at […]