JOYCE, sinorpresa ni JUANCHO ng isang drive-by baby shower
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
SINORPRESA si Joyce Pring ng kanyang mister na si Juancho Trivino ng isang drive-by baby shower.
Dahil sa pandemya, hindi puwede ang magkaroon ng bisita sa baby shower at ginagawa na lang ito online. Pero nakaisip so Juancho at mga kaibigan ni Joyce ng paraan para maging happy ang soon-to-be-mommy.
Naisip nila ang isang drive-by baby shower kunsaan nasa safe distance si Joyce habang dumaraan ang mga sasakyan ng kanyang mga friends at dina-drop off na lang ang kanilang gifts.
“I thought it was just going to be a simple Zoom baby shower but my bestfriends, VCM fam, and Ninang arranged a drive-by surprise baby shower for our little growing family; transformed our house, asked our closest family and friends to show love from a distance by decorating and honking their cars, then dropping off their gifts – then for those who weren’t able to attend, they made a Zoom party (with matching program pa!) at may pa giveaways pa,” kuwento ni Joyce.
Kahit nasa malayo, ramdam ni Joyce ang pagmamahal sa magiging baby boy nila ni Juancho.
“We got the best surprise baby shower. My son, you are so SOOOO loved! You aren’t even Earth-side yet but our friends and fam are already flexing just how much effort they’re willing to extend just to show their love and excitement for you!!!”
***
NAG-NEGATIVE sa COVID-19 test ang Kapuso actress-singer na si Aicelle Santos noong nakaraang Mother’s Day kaya puwede na siyang magtanggal ng face mask sa bahay nila.
Ayon kay Aicelle, six days siyang naka-double mask sa bahay nila para hindi ma-infect ang baby niyang si Zandrine.
Noong nagpa-swab test siya ay negative ang lumabas kaya na-enjoy nila ang Mother’s Day sa bahay.
Lagi kasing may work sa labas sa Aicelle kaya nagiging maingat lang siya pag-uwi sa bahay.
“Every time i’d come home from work, i’d sleep beside her and feed her while wearing double masks the whole day for 6 days, until i test negative. And today’s that day! Masks off! Yay! Praise God! Pinupog ko ng halik ang aking anak! What a happy mother’s day gift,” sey ni Aicelle na abala bilang judge sa GMA singing competition na Centerstage.
***
INAMIN ng isa sa richest people in the world na si Elon Musk sa pag-host niya ng Saturday Night Live na meron siyang Asperger’s Syndrome.
Asperger Syndrome ay isang neurodevelopmental disorder.
Ayon sa Wikipedia: “It manifests itself with major difficulties in engaging in social interactions and nonverbal communication. It is characterized as an autism spectrum disorder. It does not affect one’s intelligence or language abilities. People with autism can experience physical and communication difficulties.”
Ang former SNL cast member na si Dan Aykroyd ay meron ding Asperger’s at inamin niya ito sa show noong 2003.
Pinakita ng founder, CEO, CTO, and chief designer of SpaceX at Tesla Inc. ang kanyang funny side noong tanggapin niya ang maging host ng SNL.
Sinama pa ng 49-year old centibillionaire ang kanyang mother na si Maye Musk para mapanood siya ng live sa show.
May net worth na $166 billion si Musk.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas
Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine. Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School. “We did a […]
-
Usap-usapan ang pagdalo sa house blessing: ALDEN, seryoso at kumpirmadong nanliligaw na kay KATHRYN
USAP-USAPAN na nga ngayon sa social media ang mga viral photos at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kilala rin bilang KathDen, na kuha sa naganap na house blessing ng Kapamilya actress. Sa isang video ay makikitang masayang nagsasayaw si Kathryn habang nakatitig lang sa kanya si Alden. Naging abala rin si Alden […]
-
Gobyerno, ipinagpaliban ang booster rollout para sa non-immunocompromised children na may edad na 12-17
IPINAGPALIBAN ng national government ang pagbibigay ng kauna-unahang COVID-19 booster dose para sa non-immunocompromised children na may edad na 12 hanggang 17 bunsod ng ilang “glitches” sa Health Technology Assessment Council (HTAC). Ipinaliwanag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na ang HTAC ay gumawa ng kundisyon […]