JUANCHO, masayang-masaya dahil healthy ang baby nila ni JOYCE; prenatal check-up naging celebration ng V-Day
- Published on February 17, 2021
- by @peoplesbalita
MASAYANG-MASAYA si Juancho Trivino dahil healthy ang baby sa tiyan ng kanyang misis na si Joyce Pring pagkatapos ng second prenatal check-up nito.
Wala raw kumplikasyon ang pagbubuntis ni Joyce kahit na may pandemya pa rin sa buong mundo. Positive si Juancho na magiging maayos at masaya ang pagdala ni Joyce sa first baby nila.
Nag-share si Juancho ng video na tinititigan ng kanyang misid ang sonogram nh kanilang baby. Ito raw ang naging celebration nila sa nakaraang Valentine’s Day.
“Happy Valentines day to my one true love! This is a video of our second check up where we saw (heard) our baby’s heartbeat for the first time. To our last valentines day na tayong dalawa lang, mahal na mahal kita @joycepring!” caption ni Juancho sa Instagram post nito.
Heto naman ang post ni Joyce: “Our third heart’s day together – last one as just the two of us… Time flies, indeed. I love you and the life that we’re building together, @juanchotrivino.”
***
WALA raw panahon para magselos ang girlfriend ni Benjamin Alves na si Chelsea Robato dahil marami raw pinagkakaabalahan ito.
Pero aware naman daw si Chelsea sa mga nagiging eksena ni Benjamin sa teleserye na Owe My Love, lalo na raw sa mga scenes na inaakit ito ni Winwyn Marquez.
“Chelsea knows Winwyn noon pa kaya may tiwala siya rito. And Chelsea is not the type who ask questions about my work as an actor. She knows what my job is and she’s cool with that. Kahit na gusto ko na minsan ay magselos siya, she’s not that type of person. She’s very understanding and like what I said, she’s too busy para isipin pa niyang magselos!” tawa pa ni Benjamin.
Si Lovi Poe pala ang leading lady ni Benjamin sa Owe My Love at ka-love triangle nila si Winwyn.
***
PUMANAW noong February 10 ang founder at publisher ng Hustler magazine na si Larry Flynt sa edad na 78.
Namaalam ang controversial adult entertainment mogul sa bahay nito sa Hollywood Hills.
Ayon sa kanyang pamangkin na si Jimmy Flynt Jr., 30 years na raw may health problems ang kanyang uncle at walang kinalaman sa pagkamatay niya ang COVID-19.
“Larry was a rebel. He had a very complex personality. That’s why they made a movie about it.”
Pinalabas noong 1996 ang pelikulang The People Vs. Larry Flynt na bida si Woody Harrelson. Isang outspoken First Amendment activist si Flynt na nagtatag ng pornographic magazine na Hustler noong 1974 at naging isang malaking empire ito na kumalaban sa Playboy ni Hugh Hefner.
Bukod sa magazine, nagkaroon din siya ng production of porn films at Hustler Casino in Los Angeles.
In 1978, ang assassin na si Joseph Paul Franklin ang bumaril kay Flynt kaya na-paralyze ito from waist down. Hindi raw pabor si Franklin sa interracial couples na featured sa Hustler.
Nanalo sa isang legal battle si Flynt in 1988 sa US Supreme Court laban sa televangelist na si Rev. Jerry Falwell dahil sa isang libel case.
“He wanted to be remembered as a person who pushed the boundaries of free speech and that the First Amendment was the cornerstone of democracy,” ayon pa kay Flynt Jr. (RUEL J. MENDOZA)
-
Babala ng DA: bawang, sibuyas at asin, kulang
SINABI ng Department of Agriculture (DA) na hindi kakayanin ng local farm output ng bawang, sibuyas at asin na ma-meet ang inaasahang demand hanggang sa huling quarter ng taon. Lumabas kasi sa huling pagtataya ng Department of Agriculture (DA) at attached agencies nito na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Bureau […]
-
AIKO, kinilig at lumabas talaga ang pagiging ‘faney’ habang ini-interview si MARIAN; wish na makasama sa teleserye kahit kontrabida
SOBRA ngang na-excite ang award-winning actress na si Aiko Melendez at ‘di naitago ang pagkakilig dahil finally ay natuloy na ma-interview ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa kanyang YouTube vlog na ‘AikonTalks’. Hindi nga napigilan ni Aiko na mag-blush at lumabas talaga ang pagiging ‘faney’ habang ini-interview si […]
-
DepEd, umaasa: bilang ng mga enrollees tataas pa hanggang sa buwan ng Nobyembre
UMAASA pa rin ang Department of Education na tataas pa ang bilang ng mga estudyante na magbabalik -eskwela ngayong taon. Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, batay sa inilabas nilang polisiya, maaari pa ring tumanggap ang mga paaralan ang mga late enrollees hanggang sa buwan ng nobyembre. Ngayon aniyang unti-unti nang binubuksan ang […]