• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Judge me by my actions’ – BBM

“JUDGE me not by my ancestors, but by my actions.”

 

 

Sinabi ito ni Pre­sident-in-waiting Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasabay ng pangako na magiging presidente siya ng lahat ng mga Filipino kasama na ang mga hindi bumoto sa kanya.

 

 

Sa statement na binasa ni Vic Rodriquez, spokesman at chief-of-staff ni Marcos, inihayag ni Marcos na hindi siya dapat husgahan dahil sa kanyang mga ninuno.

 

 

“To the world, he says: Judge me not by my ancestors, but by my actions,” ani Rodriguez.

 

 

Sinabi nito na nagsalita na ang mayorya ng mga Filipino matapos mabilang ang nasa 98 porsiyento ng mga boto.

 

 

“Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. will be the 17th President of the Philippines. In historic numbers, the people have used their democratic vote to unite our nation,” ani Rodriguez.

 

 

Ayon kay Rodriquez, nais ni Marcos na magtrabaho sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at solusyunan ang mga isyu na kinakaharap ng bansa.

 

 

Nasa 16 milyon na ang lamang ni Marcos sa pumapangalawa sa kanya na si Vice President Leni Robredo base sa partial at unofficial result na bilangan.

 

 

“This is a victory for all Filipinos, and for democracy. To those who voted for Bongbong, and those who did not, it is his promise to be a president for all Filipinos. To seek common ground across political divides, and to work together to unite the nation,” ani Rodriguez.

 

 

Samantala, inilabas din kahapon ng BBM Media Bureau ang mga larawan ni Marcos nang dumalaw ito sa puntod ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos noong Martes, Mayo 10 sa Libingan ng mga Bayani.

 

 

Makikita sa larawan na naging emosyonal si Marcos sa harap ng puntod ng ama. (Daris Jose)

Other News
  • [ALAM N’YO BA? NI REY ANG] MGA EXTRATERRESTRIAL BEINGS (ALIEN), NILALANG RIN NGA BA NG DIYOS?

    TUNAY namang nakagigimbal sa lahat ng aspeto, lalo na sa mundo ng relihiyon, kung sakaling matuklasan (o aminin na ng gobyerno) na tunay ngang may mga nabubuhay na nilalang sa ibang planeta sa malayong kalawakan.     Isa sa labis na maaapektuhan ng nasabing pangyayari ay ang mga relihiyong  Kristiyanismo sapagkat ayon sa Christian belief […]

  • BBM-SARA UNITEAM, SUPORTADO NG MGA NEGOSYANTE SA CEBU!

    MAHIGIT 50 negosyante sa Cebu ang pormal na nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng BBM-SARA Uniteam sa isang simpleng seremonya sa Mandaue City, Biyernes ng umaga.       Ang mga negosyante, karamihan ay mula sa small and medium entrepreneurs (SMEs) na naapektuhan at pilit bumabangon sa gitna ng pandemya, ay bumuo ng samahan na […]

  • Pagmamahal at pagkakaisa ang mensahe ng pelikula: IMELDA, pinag-aralan talaga ni CLAUDINE kaya pinupuri ang pagganap

    NASAKSIHAN namin kung paano napuno na karamihan ay mga ‘loyalista’, ang tatlong sinehan ng SM Megamall sa ginanap na premiere night ng ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.’ Kaya naman walang humpay ang pasasalamat ni Asia’s Sentimental Imelda Papin sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kanya na nabuo ang biopic. Sayang nga lang at […]