• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Julia, mukhang sineryoso ang sinabi ni Kim kahit katuwaan lang

SAGOT kay Kim Chiu nga ba ang recent Instagram post ni Julia Barretto?

 

Yun talaga ang pumasok sa isipan namin nang mabasa namin ang caption pa lang niya.

 

At nang mabasa nga namin ang mga comments ng netizen, pareho rin ang naging impression.

 

Ang caption kasi ni Julia, “Out here minding my own business.”

 

Kaya madaling isipin agad ng halos lahat na ito ba ang sagot ng Kapamilya actress sa kapwa Kapamilya actress na si Kim?

 

Nang mabanggit nga ni Kim ang pangalan ni Julia sa It’s Showtime habang pinapa- browse rito ang Instagram account ng dating boyfriend na si Gerald Anderson.

 

Kaya sabi ng mga comments, halatang may “shade” raw ang caption. Si Julia raw ng reyna ng Unbothered Queen.

 

Nagtataka naman ang ibang netizens na kung sina Julia at Gerald naman daw talaga, ano raw ba ang problema at bakit hindi pa umamin?

 

Sabi ng ilang comments pa, “Napaka showbiz ng babaeng to. May paandar nanaman to stay relevant.”

 

“Sineryoso ni Julia ang sinabi ni Kim. Katuwaan lang yun sa It’s Showtime.”

 

At kung totoong minding her own business daw, hirit pa ng isang comment, “Pero business na resort ni Gerald, pino-promote niya.”

 

*****

 

HALOS 99% ng comments sa celebrity stylist na si Liz Uy sa kanyang engagement ay negatibo.

 

Mukhang ang stigma ng “kabit” ay konektado pa rin sa kanya kahit na-annulled na ang kasal ng partner sa original wife nito at kahit hayan nga, pakakasalan na siya.

 

Pero kung dedma o wala na lang sa kanya ang ano mang panlalait at obviously, disgusto ng netizens sa alam nilang pagiging diumano’y kabit muna raw nito at “homewrecker” pa raw, wala lang dito ang mga nababasang comments online.

 

Since nag-post siya sa Instagram account niya na engaged na siya sa ama ng anak na si Raymond Racaza, nabuksan muli ang tila “sugat” sa netizens, kahit di naman sila ang orihinal na mag-ina ng businessman fiance ni Liz.

 

Kung pagbabasehan ang sabi nga namin, halos 99% na hate comments sa kanya, pwedeng sabihin na si Liz ang isa sa most hated celebrity yata dahil sa araw na nag-post siya, nag-top 1 trending pa siya sa Twitter Philippines.

 

Inihahalintulad ang kuwento nila sa korean drama na The World of the Married Couple kunsaan, tungkol din ito sa kabit at nagkataon, doctor rin ang propesyon ng orihinal na asawa sa kuwento.

 

Sa isang banda, ilang kaibigan o kakilala ni Liz ang dumedepensa rin sa stylist. Na hindi naman daw alam ng lahat ng humuhusga rito ang totoong kuwento.

 

*****

 

DAHIL nakakapag-lock-in taping na, masaya ang avid fans at viewers ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas matapos ilabas ang teaser ng fresh episodes nito na mapapanood na simula ngayong Nobyembre 9.

 

Matatandaan na nabitin ang viewers sa kahihinatnan ni Lilian (Katrina Halili) na idiniin ni Kendra (Aiko Melendez) sa krimeng hindi naman niya ginawa.

 

Sinubukan nina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo) na bisitahin ang kanilang nanay sa presinto ng hindi nagsasabi sa kanilang amang si Jaime (Wendell Ramos) na nagdesisyon namang ituloy na ang kasal nila ni Kendra.

 

Talagang excited na ang viewers ng serye na mapanood ang pagpapatuloy ng kuwento nito. Post nga ng isang netizen, “Sana mabunyag na ang lihim ni Kendra para masaya na ang 3 donnas.” (ROSE GARCIA)

Other News
  • Teacher arestado sa intentional abortion

    Isang school teacher na sinampahan ng kasong paglabag sa Article 256 of the Revised Penal Code o intentional abortion ng kanyang mister ang inaresto ng pulisya sa Navotas city.     Ang pagkakaaresto sa school teacher, na pansamantalang itinago ang pagkakilanlan ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) […]

  • Balik-sitcom at gaganap na ina nina Kelvin, Shaun at Abdul: RUFA MAE, pinayagan ng asawa na mag-stay para matutong mag-Tagalog ang kanilang anak

    ANG saya-saya ng mediacon sa Novotel, Cubao, Quezon City, na ipinag-imbita ng GTV para sa first sitcom nila na ‘TOLS’ na pinangungunahan ni actress-comedienne Rufa Mae Quinto.     Yes, back na muna for the meantime si Rufa Mae sa bansa, dahil nami-miss na rin niya ang pag-arte. Sa pagbalik nila ng anak na si […]

  • VENUS, nakahanap ng fulfillment sa pagsisilbi sa Panginoon kesa maging aktibo sa showbiz;

    KAYA pala hindi masyadong nakikita si Venus Raj sa mga nakaraang pageant activities dahil abala ito sa pagtapos niya ng kurso sa OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics sa Oxford, England.     Sa kanyang Instagram account, pinost ng former Miss Universe Philippines 2010 ang pag-graduate niya sa OCCA.     “This journey at […]