JULIE ANNE, dream come true na makita ang billboard ads sa Times Square; kasama ang ‘Free’ sa EQUAL Playlist ng Spotify
- Published on July 24, 2021
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na dream come true sa kanya na makita ang billboard ads niya sa pamosong Times Square sa New York City.
At nangyari na nga ito dahil sa EQUAL Playlist ng Spotify.
Pinost niya sa kanyang Instagram ang photos at may caption na, “WE MADE IT TO TIMES SQUARE, NEW YORK!!! @spotify! This is a dream come true!
“Thank you everyone for the undying support and love! Please continue to support all artists from around the world by checking out the @Spotify Equal Playlist and listening to the music of all these amazing and talented women.
“You may also watch the music video of FREE: https://www.youtube.com/watch?v=dzA8dTwgV5c
“I couldn’t have made it here without you guys! Maraming maraming salamat at mahal ko kayong lahat!”
Ang EQUAL campaign ng Spotify ay pagsuporta sa mga female creators saan man panig ng mundo para i-promote ang gender equality sa music industry.
Tuwang-tuwa naman ang mga celebrity friends ni Julie Anne, ganun ang iba pang Kapuso stars tulad nina Lovi Poe, Ai Ai delas Alas, Lani Misalucha, Edgar Allan Guzman, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Aicelle Santos, Jerald Napoles, Sophia Pablo, Ruru Madrid, Cacai Bautista, Lovely Abella, David Licauco, Jeric Gonzales, Inah de Belen, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Kris Lawrence, Mariz Umali, Direk Louie Ignacio at marami pang iba.
Nag-congratulate din ang Universal Records PH at pinasalamatan ang Spotify Asia na kung saan cover photo ang singer/actress ng EQUAL Philippines Playlist ngayong buwan ng Hulyo.
Kasama rin ang latest single niya na “Free” sa EQUAL Global Playlist.
***
MAGHANDA sa biggest and most gripping battle sa pagitan ng bearers of the Agila at mystic powers ng Bakunawa sa final episode ng top-rating fantasy drama series ng GMA Network, ang Agimat ng Agila.
Ang original series ang nagsilbing pagbabalik-telebisyon ng well-loved and versatile actor Ramon “Bong” Revilla, Jr. na gumanap bilang Major Gabriel Labrador.
Nakasama niya ang stellar roster of cast na kinabibilangan nina Sanya Lopez as Maya Lagman, Elizabeth Oropesa as Nanay Berta, Roi Vinzon as Alejandro Dominguez, Benjie Paras as Sgt. Wesley Dimanahan, Allen Dizon as Capt. Gerry Flores, Michelle Dee as Serpenta, EA Guzman as Julian, Miggs Cuaderno as Bidoy, at Ian Ignacio as Malvar.
Sa previous episode, natanggap ni Gabriel (Bong) ang poisonous kiss mula kay Serpenta (Michelle) after ng pakikipaglaban niya kay Maya (Sanya) na nasa ilalim ng mystic powers ng bertud ng Bakunawa.
Gabriel embarks on a journey para i-rescue si Maya sa estranged father nito na si Alejandro (Roi), para tapusin na ang wicked ploys ngayong taglay niya ang venomous powers ng Bakunawa.
Magtagumpay kaya ang nagtataglay ng Agimat ng Agila laban sa nagmamay-ari ng bertud ng Bakunawa?
Samantala, dahil sa natanggap na positive feedback at high ratings ng show, labis na nagpapasalamat si Bong sa viewers at mayroon siyang exciting revelation, “Nakakataba ng puso na mahal pa rin tayo ng viewers, lalong-lalo na ng mga Kapuso. Sa init ng kanilang pagtanggap, para na rin tayong hindi nagpahinga sa paggawa ng mga palabas sa telebisyon. Kaya mas nakaka-inspire pagandahin ang Agimat ng Agila. Regalo namin ito sa kanila.
“Mas may malaki pa kaming regalo na nag-aabang sa ating viewers kaya tumutok lang po sila.”
Kaya ‘wag palagpasin ang exciting finale ng Agimat ng Agila na mula sa direksyon ni Rico Gutierrez ngayong July 24, 7:15pm, sa GMA-7.
Para sa viewers abroad mapapanood ito sa GMA Pinoy TV. Available din ang program for streaming via iQiyi International or IQ.com for subscribers in the Philippines.
(ROHN ROMULO)
-
PBBM, ipinag-utos sa DOJ na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga bilanggo na kuwalipikado sa parole
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy lamang ang pagpapalaya ng mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), na kuwalipikado sa parole. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang nasabing kautusan ay ginawa ng Pangulo sa Cabinet meeting sa Malakanyang, araw ng Martes. Sa […]
-
LeBron James, ikakampanya sina Biden sa pagkapangulo ng US
Inanunsiyo ni NBA star LeBron James na ikakampanya niya sa pagkapangulo ng US si Joe Biden at Kamala Harris. Sinabi nito na napapanahon na para magkaroon ng pagbabago at para simulan ito ay dapat baguhin ang namumuno sa bansa. Dagdag pa nito na hindi naman niya itinatago na hindi ito sang-ayon sa ipinapatupad na […]
-
Ads May 14, 2021