JULIE ANNE, paghahandaan ang pagdating ng daring o sexy roles; magpapakilig muna sila ni DAVID
- Published on April 26, 2021
- by @peoplesbalita
MAPAPANOOD na simula ngayong gabi, April 26, ang pagbabalik-acting ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, sa Kapuso series na Heartful Cafe.
Maraming excited na may bagong ka-love team si Julie Anne, si Kapuso hunk actor David Licauco.
May isang eksena sa teaser ng show na naka-topless lang si David, sasabak na raw ba si Julie Anne sa more mature roles?
“Iba po ang definition ko ng mature role, yung mas may lalim na ang characters and open naman ako to do it, pero iba po iyon when it comes to daring and pa-sexy roles.” Paliwanag ni Julie Anne.
“Para sa akin, dapat pong paghandan, kasi passionate po ako about everything I do and I make sure I commit to it 100%. I love singing and acting, kaya I feel like a different person kapag iba-ibang roles ang ibinibigay sa akin.
“Pero dito po, hayaan muna ninyong magpakilig kami nina David, EA (Guzman), Ayra Mariano, Zonia Mejia, Victor Anastacio, Jamir Zabarte at iba pa naming kasama rito.”
May world premiere ang Heartful Cafe sa GMA-7 at GMA Heart of Asia, pagkatapos ng First Yaya.
Mapapanood din ito abroad sa GMA Pinoy TV.
***
THANKFUL si Asia’s Multimedia Star Alden Richards na muling nabuo ang kanyang pamilya last week, nang dumating ang kanyang Kuya RD (Richard Daniel) Faulkerson, kasama ang Tita Joan nila, sister ni Daddy Bae, mula sa San Francisco, California.
Dapat kasi, kung hindi nagkaroon ng pandemic last year, naka-schedule sana ang buong pamilya niya na sa South Korea sila magsi-celebrate ng Christmas holidays, pero hindi nga nangyari dahil mahigpit ang pagta-travel.
Bawal na rin nilang isama ang Lolo Danny at Lola Linda nila dahil sa kanilang age.
Kaya enjoy ang magkakapatid, RD, Alden, Riza at ang bunso nilang si Angel na nag-bonding kahit doon lamang sa kanilang bahay sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.
Sayang nga lamang dahil kailangan ding mag-quarantine ng ilang araw sina RD at Tita Joan nila, as per requirement ng government sa mga dumarating mula sa ibang bansa, bago sila nagkita-kita.
Nagkataon pang MECQ na nang dumating sila kaya mahirap ding mamasyal.
Pinagkakaabalahan ngayon ni Alden ang TVC shoot ng isa niyang endorsement at ang script reading nila via zoom, bilang paghahanda para sa teleserye nila sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambalan ni Jasmine Curtis-Smith, na makakasama rin nila si Tom Rodriguez.
***
HINDI kataka-taka na hangaan ni Kapuso actress Alice Dixson at approved sa kanya ang baguhang actress na si Claire Castro, ang gumanap sa role niya sa remake ng 1988 Regal movie na Nagbabagang Luha.
Una itong ginampanan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion at Alice.
Ngayon, iri-remake ng GMA Network ang movie na ginagampanan nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at si Claire sa role ni Alice.
Si Claire ang isa sa mga new stars ng GMA, at mula siya sa showbiz family. Ang parents ni Claire ay ang mga dati ring Kapuso stars, sina Diego Castro at Raven Villanueva.
Mga lolo at lola naman ni Claire ang mga broadcasting legends na sina June Keithley at Angelo Castro, Jr (NORA V. CALDERON)
-
Chinese national na wanted ng trafficking, nasabwat sa NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese man na wanted para ipa-deport ng ahensiya dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking at prostitution. Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang nasabat na si Du Shuizhong, 51, sa NAIA terminal 1 habang papasakay ng Air China flight patungong Chengdu, China. […]
-
Opisyal ng DepEd, kinumpirma ang memo sa pag-alis ng ‘Diktadurang Marcos’
KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) ang umiiral at umiikot na memo sa social media na nagbibigay atas na baguhin ang “Diktadurang Marcos” at gawin na lamang “diktadura” na matatagpuan sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum. “I confirm that indeed there was a letter that was sent to the Office of Undersecretary for […]
-
‘Spingo’ ng TV5, higit 3 milyon na ang naipamigay: Energizing tandem nina JOHN at SAM, kinagigiliwan ng viewers
MALAKI nga rang naging impact ng bagong interactive game ng TV5 na ‘Spingo’ sa TV viewing habit ng mga Pinoy. Patuloy kasi ang pagbibigay ng malaking papremyo sa kanilang studio contestants at home players araw-araw. Simula nang nag-premiere ang ‘Spingo’ sa TV5 noong nakaraang buwan, ay nakapamahagi na ito ng mahigit 3 milyong piso sa […]