June 28, idineklara ng Malakanyang bilang national holiday
- Published on June 17, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Malakanyang na national holiday ang Hunyo 28, 2023 sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ang Proclamation No. 258, may petsang Hunyo 13, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay nagsasaad na “ang Eid’l Adha ay isa sa “greatest feasts” ng Islam na ipinagdiriwang ng buong mundo.
“Following the 1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that 28 June 2023, Wednesday, be declared a national holiday, in observance of Eid’l Adha,” ang nakasaad sa proklamasyon.
Nakasaad sa Republic Act No. 9849 na “Tenth day of Zhul Hijja, the Twelfth month of the Islamic Calendar, a national holiday for the observance of Eidul Adha (Eid’l Adha), with a movable date.”
Ang Eid’l Adha ay ang panghuli sa dalawang kapistahang Islamiko na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat taon (ang isa naman ay Eid al-Fitr), at itinuturing bilang nakababanal sa dalawa. (Daris Jose)
-
Kaya hindi mahirap idirek sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, tutok sa character kaya nakagugulat ang pag-atake
HINDI na raw nahirapan ang GMA resident director na si Dominic Zapata sa pagdirek kay Dennis Trillo sa teleserye na ‘Pulang Araw’ kunsaan gumaganap ang aktor bilang mabagsik na opisyal ng Japanese Imperial Army. Kilala raw niya si Dennis at ang method nito kapag may role ito na nakaka-challenge sa pagiging aktor […]
-
Ads November 15, 2021
-
Bagong Pilipinas walang ‘hidden agenda’-PBBM
KASABAY nang pormal na paglulunsad ng “Bagong Pilipinas,” sa Quirino Grandstand sa Maynila, nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang “hidden agenda” sa nasabing kampanya at hindi rin ito isang bagong partidong pulitikal. Sa kanyang mensahe sa kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” campaign, sinabi ni Marcos na para maibalik muli ang tiwala […]