JUSTIN BIEBER, nakatanggap nang matitinding bashing dahil sa short dreadlocks at pinag-a-apologize
- Published on May 10, 2021
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP ng matitinding bashing sa social media si Justin Bieber dahil sa kanyang bagong hairstyle.
Nagpa-short dreadlocks si Bieber para sa release ng kanyang bagong album. Pero imbes na maraming matuwa, binash ang pop singer dahil sa inasal niyang
“cultural appropriation and racial insensitivity.”
Ayon sa isang concerned netizen: “Dreadlocks are traditionally connected to the culture and identities of Black people, and wearing them is viewed by some as cultural appropriation.”
Marami ring mga black women ang na-offend sa dreadlocks ni Bieber dahil disrespectful daw ito sa kanilang kultura at kailangan niyang mag-apologize.
Noon pa man ay laging pinupuna si Bieber for racial insensitivity.
Back in 2014, inatake si Bieber ng Black community dahil sa pagbigkas nito ng N-word at gawin pa itong racist joke sa isang nag-viral na video.
***
BAGAY na bagay ngayong summer ang newest single ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na pinamagatang “Free”!
Tila mapapasayaw ang mga fans at listeners sa good vibes na dala ng awitin. Ipinamalas din ng Kapuso star ang kanyang rapping skills dito! Balita namin, exciting at bongga ang official music video nito na malapit na ring i-release.
Hindi talaga maikakaila ang galing ni Julie hindi lang sa pagsayaw at pagkanta, pati na rin sa pag-arte bilang si Heart sa pinakabagong GMA primetime series na Heartful Cafe.
Samantala, napapanood din as a mainstay performer si Julie sa weekend variety show na All-Out Sundays.
***
SI The Clash Season 2 1st Runner Up Thea Astley ang boses sa likod ng dalawa sa official soundtracks ng top-rating GMA primetime series na First Yaya ang “Isang Tulad Mo” at “Ang Puso Kong Ito’y Sa’yo.”
Ayon sa kaniya, thankful at overwhelmed daw siya sa tiwalang ibinigay ng GMA sa kaniyang talento, “Hindi ko ma-explain kung gaano kasaya and kung gaano ka-overwhelming ‘yung feeling of gratefulness and being blessed.
“Hindi ko talaga ini-expect that there would come an opportunity like this, to sing a theme song for a very big show kaya sobrang thankful ko and saya when I recorded it. Both of the songs are really nice and wonderful to listen to.”
Puwede nang mapakinggan ang “Isang Tulad Mo” at “Ang Puso Kong Ito’y Sa’yo” sa GMA Playlist sa YouTube!
Napapanood din si Thea bilang isa sa mainstay performers ng weekend variety show na All-Out Sundays sa segment na ‘Queendom’ kasama sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, at Lani Misalucha.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Exhibition fight ni Tyson kay Jones inilipat sa Nobyembre
Inilipat sa Nobyembre 28 ang exhibition fight nina Mike Tyson at Roy Jones Jr. Ang nasabing laban sana ay unang itinakda sa Setyembre 12 sa Dignity Health Sports Park sa California. Ayon sa kampo ng dalawa, may mga pinaplantsa pa silang mga sponsors para sa nasabing laban. Sasamantalahin din anila ang pagkakataon […]
-
Travel ban sa Macau at HK, ‘partially lifted’ na
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na partially lifted na ang travel ban ng pamahalaan sa Macau at Hong Kong. Ito ang inanunsyo ni Sec. Panelo sa matapos makausap si Health Sec. Francisco Duque III. Ayon kay Panelo, nagdesisyon ang Inter-agency Task Force na magpatupad na ng partial lifting matapos ang isinagawang pagpupulong […]
-
Nasa Amerika na para ituloy ang pag-aaral: Anak ni MARK ANTHONY na si GRAE, nanggulat sa sexy photo
NANGGULAT sa social media ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez. Pinost nito sa kanyang Instagram na shirtless siya. Nilagyan niya ito ng caption na: “I miss the Heat.” Kuha ang naturang sexy photo niya sa Miami, Florida. Bigla tuloy siyang pinagnasaan ng mga nag-init na accla! […]