• December 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Justin Timberlake, nag-apologize kina Britney Spears at Janet Jackson

NAGISSUE ng public apology ang pop star na si Justin Timberlake sa former girlfriend na si Britney Spears at sa singer na si Janet Jackson.

 

 

Ayon kay Justin, he had failed them in the past.

 

 

Nakatanggap ng bashing si Timberlake on social media dahil sa interview niya 20 years ago tungkol sa naging sex life niya with Spears noong sila pa.

 

 

Lumabas ang old interview na ito ni Justin sa isang TV documentary tungkol kay Britney at napahiya raw ito noong magtapos ang relasyon nila ni Timberlake in 2002.

 

 

Kinuwesyon ng media ang virginity ni Britney pagkatapos sabihin ni Justin na nag-sex na sila.

 

 

Pinagsisihan din daw ni Justin ang hindi pag-ako sa naging wardrobe malfunction ni Janet Jackson during the 2004 Super Bowl kunsaan biglang na-expose ang breast ni Jackson on stage.

 

 

“I specifically want to apologize to Britney Spears and Janet Jackson both individually, because I care for and respect these women and I know I failed,” caption ni Timberlake sa kanyang post sa Instagram.

 

 

Sey pa ng singer na sana ay naging matapang siya noon sa pagtanggol kina Britney at Janet.

 

 

“I understand that I fell short in these moments and in many others and benefited from a system that condones misogyny and racism.

 

 

“Because of my ignorance, I didn’t recognize it for all that it was while it was happening in my own life.”

 

 

***

 

 

ISANG dahilan sa pag-uwi ni Anne Curtis sa Pilipinas ay ang maasikaso ang makeup collaboration nila ng sister-in-law na si Solenn Heussaff.

 

 

Isang taon daw nilang trinabaho ang kanilang makeup brand na BLK Cosmetics’s Artist Collection.

 

 

Naging inspirasyon daw nila sa kanilang cosmetic brand ang kanilang mga anak na babae na sina Thylane at Dahlia na parehong ipinangak noong 2020.

 

 

Post ni Solenn sa IG: “For the past year we have been working on this collab for all the make up lovers out there. This shoot was supposed to be with @annecurtissmith but because of how things are, I had to shoot without her 🙁

 

 

“But there is always a next time and many amazing things to look forward to this year. Designed the packaging inspired by the love for our daughters, this is a limited edition, available tonight na! #SolennArt #blkxsolenn”

 

 

Happy si Anne sa pinaghirapang makeup collection ni Solenn.

 

 

“Couldn’t be more happier that our first collab is with @solenn. It was a year in the making. She designed the packaging, chose the shades and of course did the amazing artworkz

 

 

“The packaging is so pretty & everything is so easy to use love it so much sos!!!! Merci! Packaging soooooooo nice makes me not want to use it and keep them FOREVER!!!” post ni Anne via IG.

 

 

***

 

 

KAMPANTE na makatambal ni Kate Valdez si Migo Adecer sa bagong 2-part episode ng My Fantastic Pag-ibig na ‘Exchange of Hearts’ dahil bago pa raw sila naging artista sa GMA, magkaibigan na raw sila.

 

 

Kuwento ni Kate na sa isang VTR Go-See ng isang TV commercial sila unang nagkakilala ni Migo. Nataon na sila ang napili para sa TVC.

 

 

“Medyo weird si Migo noon. Tahimik lang siya at kapag kinakausap ko siya, tatango lang siya. Yun pala, hindi niya ako maintindihan magsalita kasi nagta-Tagalog ako. Laki siya sa Australia kaya konting Tagalog words lang ang maiintindihan niya,” tawa pa ni Kate.

 

 

Nagkita raw sila ulit noong audition sa StarStruck season 6 kunsaan nanalo si Migo bilang Ultimate Male Survivor. Si Kate naman ay hindi na tumuloy sa audition at pinapirma na siya ng kontrata sa GMA Artist Center. Sa telefantasya na Encantadia muling nagkasama ang dalawa.

 

 

Bukod sa My Fantastic Pag-ibig, magkasama rin sina Kate at Migo sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kunsaan ka-love triangle nila si Barbie Forteza. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS

    INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon.     Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB.     Aniya, […]

  • Rockets star player Westbrook balik ensayo na matapos gumaling na sa COVID-19

    Labis ang pasasalamat ni Houston Rockets point guard Russell Westbrook dahil sa nakasama na siya sa ensayo ng koponan.   Ito ay matapos na makakuha ng clearance na maglaro ng magpositibo ito sa coronavirus noong nakaraang mga linggo.   Sinabi nito na nanatili lamang ito sa loob ng bahay ng ilang linggo.   Sinabi naman […]

  • 2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN

    DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal […]