• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ka-date sa birthday celebration nina Mavy at Cassy: CARMINA at ZOREN, tanggap na tanggap na sina KYLINE at DARREN

CONGRATULATIONS to “Maria Clara at Ibarra!  

 

 

Yes, isa na namang award ang tatanggapin ng top-rating historical fantasy portal series nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.

 

 

After nga nitong tanggapin ang Best Supporting Actor award ni Juancho Trivino, sumunod namang tumanggap ng Best Director award si Diredk Zig Dulay, ngayon naman ay tatanggapin ng serye ang “Most Outstanding Teleserye” mula sa 5th Gawad LaSallianeta Awards.

 

 

Sila ang nanalo among the nominees in the category, tulad ng “2 Good 2 Be True,” Mars Ravelo’s “Darna” and the “Broken Marriage Vow” of the Kapamilya Channel.

 

 

Magaganap ang awarding ceremony sa January 30, 2023.

 

 

Ang “Maria Clara at Ibarra” ay napapanood gabi-gabi, 8PM, after “24 Oras” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

KASALUKUYAN nang inihahanda ng GMA Public Affairs ang part 2 ng action-drama seires na “Lolong” na nagtatampok kay Action-Drama Prince Ruru Madrid.

 

 

Pero may magandang balita na ang 2022 most watched TV show in the Philippines, is set to make history again as it airs in Indonesia this January.

 

 

Nangyari ito through the Kapuso Network’s content distribution arm GMA Worldwide, the hit series will be seen on Indonesia’s free-to-air TV network ANTV as “Dakkila.”

 

 

Meanwhile, tinatapos ngayon ni Ruru ang first ever project nilang magkasama ng girlfriend na si Bianca Umali, na “The Write One.”

 

 

***

 

 

UNDERSTANDING parents ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

 

 

Nang makita ng mga netizens ang Instagram post ni Carmina, during the triple date nila ni Zoren, kasama sina Mavy with girlfriend Kyline Alcantara and Cassy with Darren Espanto, nang mag-celebrate sila ng birthday ng kambal.

 

 

Hindi na nga lihim ang relasyon nina Mavy at Kyline, at kahit hindi pa umaamin sina Cassy at Darren, sabi nga, their actions speak louder that words.

 

 

Post ni Carmina, “Happy Birthday again @mavylegaspi @cassy, enjoy the rest of the evening.  We love you guys!”

 

 

Tumanggap din ng birthday greetings ang kambal mula sa kanilang mga fans.

 

 

Happy and thankful naman ang kambal na first time nilang nakasama ngayon ang kanilang Nanay Carmina sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay na Pangarap.”

 

 

May special participation ang twins na sa story ay kambal din sila at si Cassy ay kailangang magkaroon ng kidney transplant, pero dahil wala raw silang perang pambayad sa ospital at wala rin siyang kidney donor, mas gusto niyang lumabas na lamang ng hospital.

 

 

Pero hindi pumayag si Mavy at siya raw ang magdu-donate ng kidney niya para mailigtas ang kapatid.

 

 

Mapapayag din ba si Cassy sa kidney transplant at magtagumpay kaya si Dr. Analyn Santos (Jillian Ward) sa pag-opera sa kanya?

 

 

Napapanood ang #AKNP Mondays to Saturdays, 2:30PM sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP

    PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday.     Ito  ang paalala ni Philippine National Police  chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon.     Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto […]

  • Skyway 3 libre ang toll sa loob ng 1 buwan

    Ang mga motorista na dadaan sa 18-kilometer Skyway Stage 3 ay walang babayaran na toll sa loob ng isang buwan na gagawin para sa soft opening nito.   Ayon kay San Miguel Corp. (SMC) president at chief operating officer Ramon Ang, ang SMC ay naglaan ng apat (4) na lanes ng expressway kung saan maaaring […]

  • PBBM, ipinag-utos sa PNP na paghusayin ang kakayahan sa komunikasyon, interoperability sa panahon ng operasyon

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na mas maging madiskarte sa pagkuha ng communications equipment para mas mapahusay pa ang interoperability nito lalo na sa panahon ng emergency at crisis situations.     Sa isinagawang unang PNP Command Conference na idinaos sa Quezon City, binigyang diin ni Pangulong Marcos […]