• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ka-join na rin ang mag-ama sa leading e-commerce platform: MARIAN, madaling na-convince si ZIA na magpabakuna dahil sa face-to-face class

NAGING madali para sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na i-convince ang anak nilang si Zia Dantes, na walang arte at matapang na magpabakuna.

 

 

Kaya last Monday (Feb. 28), fully vaxx na nga ang anak nila.

 

 

Sa post ng kanyang Daddy Dong, “It’s ate Z’s second shot today and we did it via drive through. We were with 5 other kids inside the van since we were encouraged to do car pooling to manage traffic and limit the number of cars on the vaccination site.

 

“Thank you Joy @wintergin11 and Via @tomono_273 sa pagsabay sa amin sa van and of course, shoutout to the brave friends of Zia— Audrey & Enzo, Gia, Mandy, Zoe, Lucas, Kimchi and Alana—batchmates na rin kayo sa bakuna!’

 

Dagdag pa niya, “Everything went smoothly, may pa-pizza, balloons, at mascot pa! They really made sure that the whole process will be child-friendly and I think they did a good job!

 

“This might just be a regular fun playday for her but for me, I’m just glad that we’re slowly getting back up as a nation so we can slowly expose our children to the world again.     “Siyempre bilang tatay at magulang, importante sa akin na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga anak ko sa nangyayari sa paligid nila. Kahit yung simpleng paglalaro at pagiikot sa iba’t ibang lugar ay napakahalaga. Magandang marami silang makita, matanong, makausap, at maramdaman.

 

“Keep safe, guys!”

 

 

Kuwento naman ni Mommy Marian sa naganap na contract signing bilang face of Kamiseta Skin Clinic, “Gusto talaga niya kasi looking forward talaga siya na mag-face-to-face na sa school.

 

 

“Kasi sabi ko, ‘Anak, hangga’t di ka fully vaccinated, hindi ka puwedeng pumasok sa school.’

 

 

“So sabi niya, ‘Mama, I want na the vaccine. I want to go to the school and face-to-face.’”

 

 

“Which is ayaw naman naming ipagkait. Iba pa rin ang bata kapag may kasamang classmates, di ba?

 

 

“So pag okay na siya, puwede na siyang pumasok. Lahat ng classmates niya nasa school na, dalawa na lang silang online.”

 

 

Dagdag pa ni Marian, “Hindi ko alam yung magiging feeling ko kapag binaba ko siya sa face-to-face class.

 

 

“Unlike before na may chaperone, ‘di ba? Plus one. You can go to school para ihatid yung anak mo.

 

 

“Pero this time, ida-drop mo lang siya and bahala siya pumunta sa classroom niya.”

 

 

Samantala, ipinakilala na rin siya last March 2 as the newest Shopee Brand Ambassador at talaga namang nakaka-indak ang ginawang TVC gamit ang pinasikat na dance move na “Sabay Sabay Tayo”.

 

 

Say ni Marian sa kanyang IG post, “I’m so excited to officially be a part of the Shopee Family!

 

“Sabay-sabay tayong sumayaw at magsaya dahil sama-sama nating sasalubungin ang Shopee 3.3 – 3.15 Consumer Day Sale.

 

 

“Celebrate Shopee’s 1st MEGA SALE of the year with exclusive deals and exciting prizes, kaya download the Shopee app and add to cart na! @shopee_ph.”

 

Kasama ang mga hashtags na: #PrimetimeQueenNgShopee #ShopeexMarianRivera.

 

 

Ka-join na nga ni Marian ang kanyang mag-ama na ni-launch naman last year (12.12 Big Christmas Sale) bilang brand ambassadors ng leading e-commerce platform sa Southeast Asia at Taiwan.

 

 

Abangan din ang special appearance niya sa 3.15 TV Special kasama ang iba pang Kapuso stars. Mapapanood ito sa GMA-7 ng 5pm (Tuesday, March 15) na kung saan si Dingdong ang magho-host.

 

 

Tiyak na marami na namang papremyo at pakulo sa Shopee 3.15 Consumer Day and for more information visit https://shopee.ph/m/consumer-day.

 

 

I-download ang Shopee for free sa App Store at Google Play Store.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Sekyu, estudyante, 4 pa arestado sa pagsinghot ng shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang anim na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang security guard at 17-anyos na estudyante matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, habang nasa loob ng kanilang opisina ang mga operatiba ng Station Drug […]

  • Listahan ng seniors na may ayuda, bubusisiin ng Maynila

    IPINAG-UTOS ni Manila ­Mayor Honey Lacuna ang paglilinis sa listahan ng mga senior citizen upang makatiyak na residente pa ang mga ito sa lungsod.     Ang direktiba ay ibinigay kay  Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto, matapos na makatanggap ng ulat na may mga nasa listahan na hindi na nakatira sa […]

  • ‘It’s now or never’ ang drama ng dating Miss World PH: MICHELLE, kumpirmado na ang pagsali sa ‘2022 Miss Universe Philippines’

    CONFIRMED na ang pagsali ng Kapuso actress na si Michelle Dee sa Miss Universe Philippines.     Sa kanyang Instagram, pinost ni Michelle, ang kanyang palabang larawan para sa pagsali sa 2022 Miss Universe Philippines.     “It’s now or never,” caption pa niya na may hashtag na #DEEpataposanglaban at #forDEEuniverse.     Sa application […]