Kaabang-abang ang kanilang pagsasanib-puwersa: ARJO, makakasama sina JOHN at JUDY ANN sa spin-off ng ‘Bagman’
- Published on November 29, 2023
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG i-launch ng ABS-CBN ang tentpole co-production ng ‘The Bagman’ sa Asia TV Forum & Market (ATF) sa Singapore, kasama ang bida ng serye na si Cong. Arjo Atayde, na dadalo rin sa naturang event.
Sisimulan ang produksyon nito sa Enero 2024, ang eight-part action drama series na kung muling gagampan Arjo ang karakter na si Benjo Malaya na mula sa original digital series na ‘Bagman 1’ at ‘Bagman 2’, na ibinenta at naipalabas sa Netflix Philippines.
Ang spin-off ng mini series ay pinagbibidahan din nina John Arcilla, na nanalong Best Actor sa Venice film festival para sa ‘On The Job 2: The Missing 8’ ni Erik Matti, at Judy Ann Santos-Agoncillo, na nanalo namang Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa ‘Mindanao’ ni Brillante Mendoza.
Kaabang-abang nga ang pagsasanib-puwersa nina Arjo at Judy Ann, kasama pa si John, siguradong bawat eksena nila ay tatatak sa manonood.
Ang bagong serye ay co-produced ng ABS-CBN International Productions, Nathan Studios, Rein Entertainment at Dreamscape Entertainment.
Makikita ang aktor sa booth ng ABS-CBN sa Disyembre 7 para i-promote ang ‘The Bagman’.
Ayon naman sa naging pahayag ni Ruel S. Bayani, ABS-CBN Head, International Productions, “As we continue to advocate for Filipino representation, we are thrilled to also be announcing the award-winning talent of Arjo, John, and Judy Ann who are now part of The Bagman.
“Filipino programming is continuing to grow and expand, and we are honored to be at the forefront in offering diverse new projects to meet the growing demands of the industry.”
Matatandaang naging bida rin ang Congressman ng QC sa hit crime thriller series ng ABS-CBN na ‘Cattleya Killer’ at mga pelikula kasama ang ‘BuyBust’ ni Matti at ‘Topakk (Trigger)’ ni Richard Somes, na nakapag-ikot na sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kaya hindi pa ito naipalalabas sa bansa.
Sakto rin ito sa pagpunta ni Arjo sa Singapore, dahil sa December 6 naman magaganap ang Asian Academy Creative Awards 2023, na kung saan nominado siya uli for Best Actor para sa series na ‘Cattleya Killer’ na nominate din for Best Drama Series and Best Cinematography.
Samantala, palabas na ngayon ang action-packed film na ‘Silent Night’. Mula ito sa legendary and acclaimed director na si John Woo (‘Mission: Impossible 2’), at producer ng ‘John Wick na si Basil Iwanyk.
Starring Joel Kinnaman, Scott Mescudi, Harold Torres, and Catalina Sandino Moreno.
Ito ang ikalawang international films na binili ng Nathan Studios at 888 Films International para ipalabas sa Pilipinas ang ‘action thriller movie na may puso’.
(ROHN ROMULO)
-
VP Sara, ipinagmalaki ang liderato ni PBBM
NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Vice President Sara Duterte-Carpio kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kung saan ang liderato ay “marked with decisiveness, strength, fortitude, and political will.” Ipinagmalaki ng Bise-Presidente si Pangulong Marcos at ang “kind of leadership that inspires us to be more aggressive in delivering what we have promised to the […]
-
Giit ng NTF ELCAC: Ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi red-tagging
“WE are not red-tagging; we are truth-telling.” Ito ang sinabi ni The National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) executive director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. sa roundtable discussion na inorganisa ng Ateneo de Davao University noong Oktubre 11. Sa katunayan, ang NTF-ELCAC ay “it is not in the business […]
-
CLAUDINE, paborito pa ring banggitin hanggang ngayon si RICO; patihimikin na sana ang namayapang aktor
SANA ay patahimikin na ni Claudine Barretto ang mahigit 19 na taon nang namayapang actor na si Rico Yan. Hanggang ngayon, tila paborito pa rin itong banggitin ni Claudine. Sa naging interview niya sa YouTube channel ng kanyang best friend na si Janelle Jamer, si Rico pa rin ang isa sa […]