• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaabang-abang ang special guests sa Season 2: MIGUEL, ipinagmamalaki ang pilot episode ng ’Running Man PH’

IPINAGMAMALAKI ni Miguel Tanfelix ang pilot episode ng ‘Running Man Philippines Season 2.’

 

 

“Proud ako sa naging outcome ng Running Man dahil unang-una, pinaghirapan po namin and pangalawa, masaya po kami noong buong 43 days,” saad ni Miguel.

 

 

Happy rin si Miguel dahil may bagong pamilya nabuo na kasama siya; solid at intact pa rin ang ‘Voltes V: Legacy’ family niya ay heto at belong na agad siya sa magandang samahan nila sa ‘Running Man Philippines.’

 

 

Muli nga silang nagkakasama ng Voltes team dahil nagpo-promote sila ng rerun nito; muling ipinapalabas sa GMA ang Voltes V gabi-gabi.

 

 

“Actually, itong Voltes V, sa simula hanggang ngayon, hindi po nawala yung closeness namin.

 

 

“Parang, the other week magkasama lang kami nina Radson (Flores). Kahit walang work, nagha-hang out kami,” kuwento ni Miguel.

 

 

Kanino siya ngayon mas close, sa ka-grupo niya sa Voltes V o sa Running Man Philippines?

 

 

Lahad ni Miguel, “No comparison e. Pero parehas ko po silang close.”

 

 

Ang iba pang runners sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ na nanggaling na rin sa season 1 ay sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos at Angel Guardian.

 

 

Bongga ang Season 2 dahil special guest sina Sandara Park, Nancy McDonnie at Haha ng Running Man Korea!

 

Guest rin sina Josh ng SB19, Unis members Gehlee at Elisa, Pinoy athletes Eric “Eruption” Tai and Mark Striegl, award-winning actress Alessandra de Rossi, at Kapuso stars Rochelle Pangilinan, Herlene Budol, Paul Salas, Archie Alemania, Michael Sager, at Bianca Umali, at ang Season 1 Original Pinoy runner na si Ruru Madrid.

 

Mapapanood na ito tuwing Sabado at Linggo simula May 11, 7:15 pm at May 12 7:50 pm.

 

 

***

 

NAKAKATAWA ang kuwento ng vocalist ng InnerVoices na si Angelo Miguel.

 

 

Kasi naman, kung ang ibang guwapong bokalista ng banda ay nahahagisan ng underwear, si Angelo ay may kakaibang karanasan; naabutan na siya ng … feminine napkin!

 

 

“Hindi naman gamit, may nakasulat na phone number,” ang natatawa at tila nahihiyang kuwento ni Angelo.

 

 

“Wala pang stage nun, as in nasa harap lang siya, and she’s kinda drunk. It’s a party ng isang mayaman sa isang events place.

 

 

“Huling set na namin, kumakanta ako, ibinigay niya sa PA namin, yung PA ibinigay sa akin. Nakalagay, call me.

 

 

“Iyon ang pinakamatindi, usually, paper.”

 

 

Hindi raw niya tinawagan ang teleponong nakasulat sa napkin.

 

 

“Hindi ko na namalayan, nawala rin yata yung napkin,” ang natatawang kuwento pa ni Angelo.

 

 

Samantala, bata pa si Angelo pero mahusay na siya sa eighties music. Paano siya humuhugot ng naturang genre na hindi pa niya inabot noon?

 

 

“Kasi sa eighties naman, kinalakihan ko siya, nineties baby talaga ako pero kinalakihan ko yung eighties music because of my mother and father.

 

 

“Every morning yung cassette tape paulit-ulit iyon, iyan yung A-ha, yang Take On Me na yan, Just Got Lucky, tapos iyan Always Something There [To Remind Me], Depeche Mode, Hotdog,” pagbanggit ni Angelo sa mga iconic songs and singers noong eighties.

 

 

“So iyon kinalakihan ko yung eighties music so pamilyar na ako sa halos lahat ng famous New Wave music.”

 

 

Samantala, ang iba pang miyembro ng InnerVoices ay sina Atty. Rey Bergado [keyboards], Jojo Esparrago [drums/percussion], Rene Tecson (guitar], Ruben Tecson [drums], and Joseph Cruz [keyboards].

 

 

May regular gig sila sa Hard Rock Café (Makati), Bar IX (Alabang) 19 East (Sucat), Aromata (Quezon City), at Bar 360 (Newport World Resorts).

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Sotto bawal pa sa NBA, sasalang sa NBL, Gilas

    TUTUPARIN ni National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto ang manilbihan para sa Gilas Pilipinas gaya nang naipangako habang maghahasa muna sa Adelaide 36ers sa National basketball League sa Australia.     Ibinunyag ito nitong Miyerkoles ng 18 taong-gulang at 7-3 ang taas na cage phenom kasabay sa pagseserbisyo sa Nationals na kakampanya sa 30th […]

  • Ads June 29, 2021

  • 70 patay sa airstrike ng Saudi sa detention center sa Yemen

    AABOT  sa 70 katao ang nasawi at mahigit 130 ang nasugatan matapos na tamaan ng airstrike ang detention center sa Yemen.     Ayon sa Doctors Without Borders na kagagawan ng Saudi-led coalition ang airstrike bilang opensiba laban sa mga rebelde sa Yemen.     Tumama rin ang isang airstrike sa telecommunication building sa Hodeidah […]