• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kabastusan sa mga jeep at tricycles, iayos a rin!

MAY isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumabiyahe.

 

Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep.
Gaya raw halimbawa ng mga rap song na may lyrics na “huwag ka paiy*# girl … huwag ka pai?0t”…meron pa ‘yung isang kanta na ang sabi … “mas gusto mo ba na dinidi&*an ka…kasi gusto mo na binx@bayo kita.”

 

May mga sticker din daw na puro pambabastos sa mga kababaihan at walang respeto at paggalang ang mga mensahe.
Nababastos po ang ilang mga babaeng pasahero lalo na ang nanay na nagsusumbong kasi madalas kasama nya ang anak na babae na 11-taong gulang pa lang. Meron din na mga tricycle na may mga stickers ng gagamba na ang sabi – “Miss pasapot naman”.

 

Sana raw ay hindi nabibigyan ng prangkisa ang mga public transportation na ganyan. Dapat ipagbawal ang mga malalaswang tugtog sa jeep at mga malalaswang mga sticker lalo at hindi naman mapipigil o mapipili ang mga sumasakay sa jeep at tricycle.

 

Ayon sa sumbong, madalas magpatugtog ng mga bastos ang mga jeep na ito lalo kapag may mga high school students na mga babaeng pasahero.

 

Minsan pa nga raw ay yung nga bastos na salita ay nakasulat pa sa mga tshirts ng drivers. Nakikiusap ang nanay na nagsumbong, na sana ma-regulate ang mga ganitong bastos na mga drivers lalo na yung ang mga ruta ay kung saan maraming mga menor-de-edad ang sumasakay. Sana ay makarating sa mga kinauukulan ang mungkahi ng nanay na nagsumbong. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Kaya hanggang ngayon ay marami pa rin ang nega comments: ALEX, parang pinapangatawanan pa ang mga hirit base sa tweet niya

    MAGANDA ang naisip na concept ni Aiko Melendez sa kanyang Youtube channel.     Ang ininterview niya ay ang anak nila ni Jomari Yllana na si Andre Yllana.     May mga tanong na do’n lang daw naibato ni Aiko kay Andre. Isa na rito ‘yung tungkol sa damdamin ni Andre sa ama.     […]

  • Ads October 5, 2024

  • Chinese illegal workers na napatawan na ng visa cancellation, nasa higit 1, 400 – DOJ

    PUMALO na sa mahigit 1,424 na dayuhan  ang  napatawan  ng visa cancellation dahil  iligal na nagta-  trabaho sa bansa.     Sa Laging Handa Briefing,  sinabi ni DOJ spokesperson Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, batay sa hawak nilang datos, “as of October 10″, nasa 1,424 pa lamang na illegal workers ang napatawan na ng kanselasyon […]