Kabilang na sa A-list celebrity endorsers ng ‘Beautederm’: JENNYLYN, walang kaarte-arte at mabait kaya puring-puri ni RHEA
- Published on July 23, 2024
- by @peoplesbalita
IBANG-IBA ang glow ng Beautéderm founder na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ngayon, na nagdiriwang ng 15 years sa skincare at wellness industry.
Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ine-endorse ng top celebrities at influencers.
Sa nasabing selebrasyon last July 18, ipinakilala rin ni Ms. Rei ang bagong endorser ng Beautéderm na si Jennylyn Mercado. Kabilang na ngayon ang Kapuso Ultimate Star sa line-up ng A-list celebrity endorsers ng brand.
Ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) ang products na ie-endorse ni Jen, na bagay na bagay sa kanyang timeless beauty, dahil parang hindi siya tumatanda.
Naging honest naman si Jen na ramdan niya na unti-unti na siyang tumatanda, dahil meron na siyang fine lines. Hindi rin siya nahiyang aminin na sobrang sensitive ang skin niya kaya may mga sakit siya balat tulad ng psoriaris at rosacea.
Kaya malaki ang maitutulong sa kanya ng skin care ng Beautederm.
Nagpapasalamat naman ang skincare executive sa Ultimate Star.
Pahayag ni Rhea, “I follow Jennylyn Mercado on Instagram. Some of her dear friends also told me before that she’s a nice person. Her star power and huge social media following will hopefully connect us to more consumers. Jennylyn embodies grace and beauty.
“I welcome Jennylyn to Beautéderm family. I hope this partnership will inspire Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin.”
Dagdag papuri pa ng generous ng CEO, “I did my research na napakabait talaga ni Jen.
“Napansin ko, ang bait talaga niya. Sumasabay siya sa mga staff na kumakain.
“Tapos siya ay bareface, walang makeup. Humaharap sa mga tao, kumakain siya sa pantry kasama yung mga staff.”
Sagot naman ng Kapuso actress, “Ms. Rhea Tan is an inspiration to everyone. She’s really good at what she does — business. People look up to her. People follow her. You know why? Because she’s authentic and sincere. She protects her brand and she values her consumers. I am very grateful for her trust and for the trust of her company. I believe in the products.”
Sinimulan ni Ms. Rei ang kanyang negosyo noong 2009 sa halagang 3,500. Dahil sa kanyang dedikasyon at marketing power, naging isang malaking beauty brand ang Beautéderm, na may mga store sa malls.
Sa tanong kung ano ang kanyang pinakamalaking achievements, sagot niya, “I was able to change my resellers’, employees’, and scholars’ lives and will continue doing that.”
Formulated with high-quality ingredients, ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) at kami mismo ay naka-try na ng three-mendous trio serum, na less than a month lang ay kitang-kita na ang results at talaga naman naggo-glow ang aming face.
Available na ito sa Shopee, Lazada, TikTok, at Beautéderm stores nationwide.
(ROHN ROMULO)
-
Mga lider ng iba’t ibang partido pulitikal suportado paghahanap ng PNP sa wanted na si Pastor Quiboloy
NAGSAMA-sama ang lider ng iba’t ibang partidong pampulitika sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang suportahan ang Philippine National Police (PNP) asa ginagawa nitong paghahanap sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy at kanyang mga kapwa akusado. Ang alyansa, na binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni […]
-
‘Di naman ni-report na na-hack o na-deactivate: IG account ni MAGGIE biglang nawala, kaya maraming nagulat
MASAYANG tinanggap ni Nadine Samonte ang plaque of recognition bilang alumna ng Alternative Learning System (ALS) school at ginawa rin siyanb ALS Ambassador of Schools Division Office-Malabon City. “Nakakataba ng puso na makatanggap ng recognition award kung saan don din ako nakapagtapos. Sabi ko nga sa speech ko kanina ang ALS program […]
-
Mojdeh nilangoy ang gold medal sa Finis Swim Series
INILATAG ni national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ang matikas niyang porma para masungkit ang gintong medalya sa girls’ 100-meter breaststroke sa 2022 Finis Short Course Swim Series-Luzon Leg kahapon sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac. Nagrehistro ang 15-anyos na si Mojdeh ng isang minuto at 15.07 segundo para […]