Kabisera ng marathon sa Pilipinas
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
LUMALABAS na ang Lalawigan ng Cebu ang puwedeng kilalaning ‘Marathon Capital of the Philippines’.
Nabatid ito ng OD mula sa mga na-Google na impormasyon, ang ilan ay sa mga nakuha ko pang detalye sa pagko-cover ng aking amang marathoner na si Ramil Cruz sa mga marathon sapul noong huling bahagi ng dekada 80s hanggang sa nakaraan lang na taon.
Pito nating mga naging Olympian marathoner buhat noong Mexico 19th Summer Olympic Games 1968 hanggang Rio de Janeiro 31st SOG 2016, tatlo ang mula sa Queen City of the South.
Sila ay sina Leonardo Illut na tumakbo sa 1984 Los Angeles at Roy Vence na kumaripas sa 1996 Atlanta sa men’s race, at si Mary Joy Tabal na nag-2016 RDJ sa women’s event.
Pinakamarami po iyan sa limang probinsya na naprodyus na Olympian marathon runner ng ‘Pinas.
Sa Southeast Asian Games, naka-gold medals din sina Vence, 54, ng Bogo City, at Tabal, 31, noong 2001 at 2017 parehong sa Malaysia, ayon sa pagkakasunod.
May dalawa pang silver at isang beornze medals sa SERAGames ang nakabase na sa Antipolo City na si Vence. Nag-silver din si Tabal sa 2019 SEAG sa Tarlac.
Sa talaan ng National MILO Marathon king and queens mulang unang edisyon noong 1974-42nd nitong Enero 2020, pinakamarami pa rin ang Visayan province na mayroong 14 na kampeonato sa Finals.
Nakawalo na si Vence , samantalang may anim si Tabal.
Dalawa ring taga-Cebu ang mga nakatakbo na sa Asian Games sa kabuuang apat na mga kumatawan sa ating bansa sa 42.196-kilometer footrace.
Si Vence na pumangwalo sa Busan 14th Asiad 2002, at Tabal na lumagay sa ika-11 sa Indonesia 18th AG 2018.
-
JOVIT, nais pa ring makuha ang anak mula sa ex-girlfriend na nadadawit ngayon sa scam
ANO ba yan? Uso na ba ngayon ang mag-delete ng post at followers sa social media? Pagkatapos umamin sa kanilang relasyon, nagulat ang netizen sa biglang pag-unfollow ni Kiko Estrada sa Instagram account ni Heaven Peralejo. Hindi lang si Heaven, kundi lahat ng pina-follow ni Kiko ay deleted na. Pati na […]
-
Caloy mas mabagsik sa floor at vault
ASAHANG mas magiging mabagsik si Carlos Yulo sa oras na sumabak ito sa finals ng men’s floor exercise at men’s vault sa 2024 Paris Olympics. Nabigong makasungkit ng medalya si Yulo sa men’s all-around finals. Subalit marami itong natutunan na magagamit nito sa kanyang susunod na laban. Nagtapos lamang sa ika-12 puwesto si Yulo sa […]
-
Pagpaptupad ng solarization program, paiigtingin ng QC LGU
UPANG maibsan ang paggamit ng mga Non-Renewable Energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa Quezon City ay palalawigin ng QC Local Government ang kanilang Solarization Program o ang paglalagay ng solar panels energy system sa lungsod. Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng […]