Kabuuang kita ng ‘MMFF 2023’, lampas isang bilyon na: ‘Rewind’ nina DINGDONG at MARIAN, higit P600M na ang kinita at kalat na ang ‘pirated copy’
- Published on January 9, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-UUMAPAW ang pasasalamat ng Metro Manila Film Festival dahil umabot na sa higit isang bilyong piso ang kinita ng 49th MMFF noong ika-7 ng Enero, na talaga namang pinilahan ng mga manonood ang huling araw ng filmfest.
At dahil sa matinding pagsuporta at kahilingan nang hindi pa nakakapanood ng 10 official entries, “A Family of Two (A Mother and Son Story),” “(K)Ampon,” “Penduko,” “Rewind,” “Becky and Badette,” “Broken Heart’s Trip,” “Firefly,” “GomBurZa,” “Mallari,” at “When I Met You in Tokyo,” in-announce ng MMFF kahapon na extended ang pagpapalabas ng mga pelikula hanggang ika-14 ng Enero.
At pwede pa rin magamit ang festival pass, kaya balik-pila na naman ang mga viewers sa sinehan para habulin ang mga pelikulang ‘di pa napapanood.
Samatala, kumalat na sa Facebook ang pirated copy ng top-grosser na Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Lunes ng umaga, Enero 8, 2023, na nagkakahalaga lang daw ng 50 pesos.
Sabi ng isang nag-share, nabili niya ang kopya sa halagang P50.
Last week naman, marami ang nagpo-post ng link, na kung saan marami ang na-scam na matapos magpadala ng bayad, ay hindi naman nila mabuksan ang pekeng link.
Marami kasi ang pumatol dahil pahirapan ang pagkuha ng tickets, na bukod sa mahabang pila at palaging sold-out ang mga screenings.
Marami naman ang nagsi-share at nagpapaalala na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsi-share ng link, pero marami pa rin ang matitigas ang ulo at ayaw magpasaway, makapanglamang lang sa mga tao.
Kaya nag-post na rin ng paalala ang ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema), isa sa prodyuser ng Rewind, sa pamamagitan ni Lods (karakter ni Pepe Herrera),
“PIRACY IS STEALING. Sabi ni Lods, DO NOT STEAL.
“SIGE KA BAD YAN.”
Nakalagay din sa caption na, “EXTENDED ang #RewindMMFF in cinemas NATIONWIDE! Doon ang #RewindExperience na deserve mo!
“Report pirated Rewind contents:
Send email to Report-Piracy@abs-cbn.com.
– Email title: Report Piracy (Name of Movie/Program)
– Please provide LINKS of the pirated contents.”
Pinost din ng Star Cinema ang list of cinemas nationwide, para mapanood ‘Rewind’ na nasa 3rd super blockbuster week na, na balitang nalampasan na nito ang P600M mark, at patuloy na kumikita.
Ito ang pinakamalakas na MMFF entry sa kasaysayan at pasok na rin sa Top 5 sa Highest Grossing Filipino Films at kinabog na ang ‘The Super Parental Guidance’ (2016) nina Vice Ganda at Coco Martin na kumita ng P598M.
Hindi pa man official dahil hindi pa maglalabas ng figures ang Execom ng MMFF.
Ano kaya ang puwedeng gawin o aksyon ng MMFF at MMDA kaugnay ng usaping pamimirata?
Abangan natin sa pagharap nila sa media ngayong umaga, Enero 9.
Tiyak na matatalakay rin ang tungkol sa inaugural Manila International Film Festival na ipalalabas sa Los Angeles, California starting on January 29.
Malalaman din kung magkakaroon ng ikalawang edisyon ng Summer MMFF sa buwan ng Abril.
(ROHN ROMULO)
-
Pag-aalis ng face mask ‘wag muna – DOH
PUMALAG ang Department of Health (DOH) sa ipinalabas na kautusan ng isang local government unit (LGU) na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa ilang lugar. Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na masyado pang maaga para itapon na ang face masks o itigil na ang mandatory na pagpapatupad sa […]
-
One-time extension sa education assistance program, pinag-aaralan ng DSWD
PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng one-time extension sa pamamahagi ng educational assistance program nito. Ito ay bago ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang anim na linggong payoout sa darating na September 24, 2022. Ngunit paglilinaw ni DSWD Spokesperson Romel Lopez, ang naturang extension […]
-
PBBM, pinasalamatan ang UAE president para sa pagkakaloob ng ‘pardon’ sa 143 Pinoy
NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay United Arab Emirates (UAE) President Sheikh Mohamed bin Zayed matapos na pagkalooban ng huli ng pardon ang 143 Filipino. Sa social media post, araw ng Martes, sinabi ni Pangulong Marcos na nakausap niya si UAE President sa telepono kung saan ay pag-usapan nila ang […]